21 | CE's Practical Exercise: 100 Dragon Balls •

287 26 21
                                    

A/N: Sa previous chapter ay nabanggit ko ang isa sa special feature ng Light Weirdness na Light Purification. Uulitin ko lang kahit na naipaliwanag na ni Saint Theresa. Wala pong kakayahan ang mga Light Elemental Weirdo na mag-heal. Kahit na upper Weirdness ng Light ang Healing wala pa rin silang kakayahan na manggamot BUT nagagamit nila ang purest of the pure ng kanilang liwanag para sa mag-cleanse at purify ng Negative Effect dulot ng ibang Weirdness or Spell. We can say na parang Cleansing Buff ito ng mga Light Weirdo so wag na magtataka kung bakit nasa taas ang Light Element dahil bukod sa destructive ang Weirdness na ito, most of the effect na kayang i-deal sa kanila ng ibang Weirdness at Spell ay balewala lang sa kanila.

Okay! Back to regular programming!

📖 THE CRIMSON HOST 📖

|| CE's Practical Exercise: 100 Dragon Balls ||

'AUGUST'

"This is your second practical exercise in the second week of the month. Siguro naman sa first week at past days of your meetings this week ay medyo adept na kayo sa practical exercises na kino-conduct every Friday?" tanong ni Koshi Ibasco.

"Yes, Sir!" sagot ng lahat.

Tuwing Friday kasi ang practical exercise namin dito sa Combat Education class namin. Kapag Monday at Wednesday kasi ay basic combating and physical training exercises lang pero kapag Friday, doon na ang bakbakan!

Actually, ito ang first time namin na mag-practical exercise rito sa Sierra Sphere. Last Friday kasi sa open field lang kami dahil marathon na may twist na paggamit lang ng Weirdness ang ginawa namin.

Hindi man namin first time na makapasok sa Orbs of Plane since ang unang weekend Camp Activity namin ay sa isa sa Orb ginanap ay iba pa rin 'yung excitement namin kung anong klaseng terrain or plane ang bubuksan sa amin ng orbs.

Natawa si Koshi nang makita ang excitement sa amin lahat lalo na kay Lex na halos maubos na ang kuko sa daliri.

"Ano kayang orb ang gagamitin? What terrain this time? Excited na ako," sabi nito habang nakatingala sa Orbs of Plane.

"It seems like some of you can't control the excitement anymore," sabi ni Koshi habang nakatingin kay Lex.

"In that case, let's not procrastinate any longer. Follow me so we can get started."

Lahat kami ay naglakad kasunod ni Koshi papunta sa silver metallic double door na nasa left side corner ng Arena. Doon yata ang surveillance room na inilaan para sa mga estudyante.

Dalawa kasi ang surveillance room dito. 'Yung isa ay exclusively for Sierra's staff lang tulad ng Headmaster at mga Professors. At 'yung isa naman ay itong pupuntahan namin na ginagamit para sa practical exercises.

Pagpasok namin ay isang circular room ang sumalubong sa amin at sa harapan ay may malalaking screen na tingin ko ay roon mapapanood ang mga nangyayari sa exercises.

Inilapag ni Koshi ang badge na dala niya sa center board ng surveillance room.

Naging access niya 'yun para buhayin ang surveillance room hanggang sa magliwanag na ang paligid at mabuhay ang mga monitors.

"For your second practical exercise this week, we will be conducting an activity which measures and test your strategy, speed and of course your Weirdnesses. You will be divided into four groups meaning each group consists of five members."

The Crimson Host [ Weirdoverse ] [SLOW UPDATE]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon