50 | Birthday Wish •

178 17 25
                                    

📖 THE CRIMSON HOST 📖

|| Birthday Wish ||

'AUGUST'

Sa mundo ng hotel industry, ang Morfé Grande Hotel ay isa sa sampung kilalang hotels sa bansa. Pero mas higit na kilala ang nasabing hotel dito dahil ito lang naman ang kaisa-isang seven star luxury hotel sa buong Norte.

Dahil sa matagumpay na pamamalakad at sa samu't saring papuri't parangal na tinanggap nito, nabigyan daan din nito para kilalanin ang pamilyang nasa likod nito bilang isa sa maimpluwensya at mayamang pamilya sa Norte, sino pa ba kundi ang mga Morfé.

Marami siguro ang mag-iisip na dahil buhay royalty na ang mga Morfé, ang way of living nila at ang ugali nila ay nalalapit sa iniisip ng marami pero mali sila.

Bukod sa kilala ko na at tropa ko pa ang gago at stripper na young master ng mga Morfé, kitang-kita naman ng marami ngayon dito sa lobby ng sarili nilang hotel kung paano magtalo ang magkapatid na Morfé na parang aso't-pusa.

"ARAY! Awat na, Ate! M-masakit na talaga!"

"SHUT UP! Don't tell me what to do, Lexus baka tamaan ka nga ng mas malala!"

"Isusumbong kita kay Dad!"

"Magsumbong ka, samahan pa kita gusto mo!? You think I'm scared, huh, daddy's boy Lexus? Yuck!"

"ATE!"

Napailing na lang kaming dalawa ni Aaron sa napapanood naming bangayan nina Lex at ng Ate niya. Nang agaw-pansin na ang dalawa ay lumapit na rin ako para awatin sila.

'Teka nga. Bakit nga pala kami nandito?'

"Ate, tama na, please! Nakakahiya na oh!" sabi ni Lex habang sinasalag ang kamay ng Ate niya. "Ang gwapo-gwapo ko at sobrang macho pa tapos pipingutin mo ako sa harap ng mga chicks? 'Wag gano'n, Ate. 'Di kita bibigyan ng poging pamangkin, sige ka!"

"Tumigil ka, Lexus! Napakatigas talaga ng bungo mo. How many times do I have to tell you to not bring your pets here!? Tinatakot mo ang mga guests!" bwelta ng Ate niya.

Sabay silang lumingon sa isang direksyon, na-curious din ako kaya sinundan ko rin ang tinitignan nila at nakita ko nga ang pets na tinutukoy ng Ate ni Lex.

'So sila pala ang narinig kong umalulong kanina.'

"They're not just a pet, they're my brothers. And mukha naman wala silang tinatakot, Ate. Ikaw nga itong mas mukhang nakakatakot kesa sa kanila eh," sabi ni Lex na nakatingin pa rin sa dalawang wolf na nakikipaglaro sa mga guests. Tuwang-tuwa ang mga tao dahil sa stunts na ginagawa nila.

Maya-maya ay sumipol si Lex.

"Boys!" tawag niya sa dalawang wolf na puti at itim. Sabay namang lumapit ang dalawa.

"So ito pala ng famous seven star hotel ng mga Morfé? Ang gara!" sabi ko na lang para kunin ang atensyon nila. Sabay naman silang napabaling sa akin.

"Uy, p're! You're here!" Ngiting wagas na lumapit sa akin si Lex at binigyan ako ng simpleng yakap.

"Tangna. Yayamanin ka talaga, p're! Ngayon ako mas naniniwala na young master ka nga!"

Tumawa siya. "Shut up. Si Dad ang mayaman hindi ako. Anyways, good thing that you guys are here na, kanina pa sila naghihintay sa'yo."

Nagsalubong ang kilay ko sa sinabi niya.

"Sinong sila?" tanong ko nang biglang gumawi ang mata ko kay Aaron na palapit na sa amin.

The Crimson Host [ Weirdoverse ] [SLOW UPDATE]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon