58 | Alter •

140 17 4
                                    

📖 THE CRIMSON HOST 📖

|| Alter ||

'AUGUST'

Kaliwa't kanan ang gumuguhit na spells at projectiles sa hangin. Wala na yatang segundo na tumahimik dahil simula nang dumating ang mga lintik at naging mas mabagsik, hindi na kami napahinga pa sa pagpigil sa kanila.

"Gideon, undo your weirdness! You're a bigger target for them!" sigaw na narinig ko mula kay Amber.

Nang lingunin ko si Gideon ay unti-unting bumabalik ang normal size nito mula sa gahiganteng size niya kanina. Dinaluhan siya ni JM dahil marami-raming sugat din ang natamo niya lalo na sa lower part ng katawan niya.

"Kaya pa ba, Gid?" tanong ko sa kaniya nang makalapit ako. Kahit si JM at Amber ay sinilip ko na rin ang kalagayan. Ayaw ko nang maulit ang nangyari kay Laser. Kung mauulit pa iyon na kasama nila ako, parang wala na rin akong kwenta.

"Yeah, I'm okay. Maliliit na sugat lang ito," sagot niya. Mukhang ayos pa naman talaga siya, hindi kita sa mukha niyang iniinda niya ang mga sugat.

Tumango na lang ako at tinapik ang balikat niya.

Maya-maya pa ay lumapit sa amin ang Dad ni Pareng Lex, sinusuportahan ng Augmentation Weirdness niya ang buong security forces niya.

"Are you okay, Kid? Mas mabuti pa siguro na bumalik na kayo sa loob. Kami na ang bahala rito," sabi niya na inangalan ko kaagad.

"Hindi po pwede! Kayang-kaya pa naman naming lumaban at mas lalong hindi na kami mga bata! Kaya ko na nga gumawa kung gugustuhin eh," sagot ko. Rinig ko ang sabay-sabay na paghinga ng malalim ng tatlo sa likuran ko. 

Hindi naman pinansin ng Dad ni Pareng Lex ang sinabi ko. Nagbitaw muna ito ng dalawang offensive spells sa nagtangkang lumapit sa amin bago humarap ulit.

"And there's no doubt for sure you can do that, son. But Sebastian, he entrusted your safety to me. The order to you is to evacuate the civilians and as long as possible you are prohibited from engaging in combat. And I know you already have the reason why is that, August. You witnessed first hand what a hideous threat these creatures carry."

Tangna!

Gusto kong magmura ng malakas kaya lang baka isipin niya na siya ang minumura ko. Nakakainis kasi! Hindi siya kundi iyong idea na alam ko nga kung gaano kadelikado ang mga lintik na mga ito.

Kahit na madali lang silang tapusin, higit kaninuman, alam kong hindi iyon doon lang magtatapos dahil muli lang silang babalik na parang walang nangyari. Kung paulit-ulit lang iyon na mangyayari, parang kami na rin mismo ang nagdikit ng malamig na karit ni Death sa mga leeg namin. Dahil sa oras na maubusan kami ng energy, natural kami na ang talo. Patay kami!

'Pero liban sa akin ah, syempre! 'Di naman ako nauubusan ng energy. I mean, maubusan man, kayang-kaya ko namang mag-recharge ulit. Nanakawan ko lang ng—'

Sandali. TAMA! Tanga ko! Bakit ko nakalimutan kaagad!? Hirap talaga kapag ubod ng kagwapuhan, nagiging makakalimutin agad!

Hindi ko muna pinansin ang Dad ni Pareng Lex, kahit sila Amber ay nagulat din nang tumakbo ako para samahan ang mga hotel security ni Sir Laxus na busy sa pagtaboy sa mga lintik.

Bago pa nila ako mapigilan– na pwede naman nilang subukan pero sure may kamaong tatama sa mga mukha nila –nakapwesto na ako kaagad sa harapan nila.

Sa harapan ko ay ang laksa-laksang bilang ng mga itim na nilalang na aligaga at parang mga asong ulol na nagkakandarapa at nag-uunahan sa karne na nasa harapan nila.

The Crimson Host [ Weirdoverse ] [SLOW UPDATE]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon