66 | Host Versus Kincaid 2 •

107 7 0
                                    

Previously between August and Kincaid...

"Sabi ko sa'yo, dudurugin kita!" Kasabay ng pagsigaw ko ay ang pagbato ko sa kaniya pababa. Hinampas ko pa siya ng crimson chains ng ilang beses para dagdagan pa ang pwersa ng pagbagsak niya.

Bumulusok siya pababa at parang bomba na sumabog nang bumagsak sa kalsada. Napuno ng alikabok ang pinagbagsakan niya pero 'di ako tumigil sa pag-atake, umaapaw ang galit ko ngayon at gustong-gusto ko siyang pahirapan sa mga ginawa nila.

Sinundan ko siya kaagad at hinampas ng paulit-ulit gamit ang mga crimson chains. Nang mapagod, kinumpas ko naman ang kamay ko.

Lumikha ng malakas na hangin ang ginawa ko na pag-cast ng isang spell para alisin ang alikabok. Nang mawala alikabok, nakita ko siya sa mismong gitna ng malaking crater, hindi na makilala at hindi na makabangon.

Hindi pa ako tapos. Hindi pa!

📖 THE CRIMSON HOST 📖

|| Host Versus Kincaid 2 ||

'AUGUST'

Lumapit ako para pagmasdan siya. Pero habang lumalapit ay napansin kong natutunaw ang katawan niya hanggang sa ang naiwan na lang ay isang katawan ng puno ng saging.

'Tangna, ano 'yun?'

Pumihit ako paharap sa likuran ko nang maramdaman ko ang pagsulpot ng presensya niya.

At hindi nga ako nagkamali, pagharap na pagharap ko ay nakita ko siyang lumalabas sa parang itim na crack sa space.

"Mahusay! Pinabibilib mo talaga ako, Host. Ngayon lang ulit ako nakaharap ng tulad mo na mahusay sa pakikipaglaban at hindi umaasa sa mahika," sabi niya.

Kumpara kanina, hindi na ito nakangiti at mabigat nang nakatingin sa akin. Doon ko lang napansin na punit-punit na ang suot niyang black robe.

Dumura siya sa gilid niya na may dugo. Napangisi ako sa nakita ko. Dagdag kompyansa 'yun para sa akin.

"Huh! Akala ko ba ay hindi kita magagawang galusan o dumihan man lang ang suot mo? Pero parang sa salita ka lang naman pala mahusay," mapang-asar kong sabi na tingin ko ay effective. Mas lalong dumilim ang mukha niya.

"Don't be too high on yourself, Host. Just because you hit me once doesn't mean you can win over me. Tulad ng sabi ko, one side lang ang kalalabasan ng laban na ito kung magseseryoso ako."

Hinuhubad na niya ang napunit niyang black robe. Ngayon ay nakasuot na lang siya ng itim na body fit. Na-reveal na rin ng lubusan ang tila tribal tattoo sa buong kanang braso at kamay niya.

Tsk! Maangas din ang datingan ng isang ito. Maputi, matangkad, at medyo maganda ang katawan. Sigurado na lumakad lang ito sa kanto ay pagtitinginan ito ng mga kababaehan.

Pero walang-wala naman siya kumpara sa akin! Baka kapag pinagtabi kami, mas marami pa rin ang matatakam sa akin kesa sa kaniya.

Wala namang duda roon. Wala ng tanong at paliwanagan pa!

"Hoy! Hinay-hinay sa kayabangan at baka pumutok 'yang mga itlog mo sa sobrang hangin ng katawan mo!" pambasag na singit ng Abyssal Heart.

"Tangna mo! Hindi ko hinihingi opinyon mo, gago!" bulyaw ko rito sa isipan. "Kung hindi ka makakatulong sa laban namin tumahimik ka na lang!"

"Gigitna ako, Half-breed. Gigitna ako."

Kumunot ang noo ko sa sinabi niya. Tinanong ko siya, hiningian ng paliwanag pero hindi na siya nagsalita.

The Crimson Host [ Weirdoverse ] [SLOW UPDATE]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon