74 | True Allies

189 7 2
                                    

📖 THE CRIMSON HOST 📖

|| True Allies ||

'AUGUST'

Isa-isa ko silang tinignan, lahat nakatingala at masinsinang nakatitig sa akin. Kahit 'di sila magsalita, alam ko iisa lang ang tumatakbo sa isipan nila ngayon.

Handa silang makinig.

Bumalik ako sa pagkakaupo na ang tingin ay hindi na gumawi sa kanila. Nakatingin na lang ako sa plato sa harapan ko na kalahating stake na lang ang natitira.

"Sigurado ako hindi naman na lingid sa kaalaman ninyong hindi kami magka-ano-ano talaga ni Aaron, 'di ba?" Kahit hindi ko nakikita, alam kong nagkatinginan sila at tumango sa sinabi ko.

"Si Aaron ang naging legal guardian ko at binigay niya sa akin ang apelyido niya. Pinapasok niya ako sa buhay niya, binigyan ng matutuluyan, pagkain, binihisan at pinag-aral. Pero alam niyo ba kung saan ako galing at ano ako dati bago ako napunta kay Aaron?"

Nag-angat na ako ng tingin sa pagkakataong ito para tignan kung meron sa kanila ang may ideya. Alam kong may alam na sila ng konti pero nagpapakiramdaman pa sila kung sino ang magsasalita.

Tinignan ko si Pareng Brione na taimtim at walang kurap na nakatitig sa akin. Kahit na alam kong may alam na siya, nanatili lang siyang tahimik.

Tulad ng inaasahan ko. Siya talaga ang unang makakaalam ng kwento ko.

Inabot ko ng mabilis ang wine glass at inubos ang natitirang laman no'n ng isang lagukan lang. Kailangan ko 'yun para sa gagawin kong pagkukwento ng sarili ko sa kanila. Kung may mga tao man na deserving malaman ang kwento ko, sila 'yun.

***

August 1, alas tres ng madaling-araw, isang sanggol na lalaki ang iniwan sa tapat ng Saint Claire Orphanage at sa kabutihang palad ay nakita at napulot ng isa sa mga tauhan ng ampunan na ang pangalan ay Mylla.

Wala ni isang bakas o gamit na maaring magturo ng kaniyang pagkakakilanlan maliban sa puting tela na pambalot sa sanggol. Tinawag nila 'yun sa pangalang August, kinuha nila sa unang araw ng Agosto kung kailan nila ito nakita at ang sanggol iyon ay walang iba kundi ako.

Si Ate Mylla, ang tauhan ng ampunan na nakapulot sa akin ang naging tagapag-alaga ko bilang siya ang nakapulot sa akin. Inaruga niya ako na parang nakababata niyang kapatid hanggang sa lumaki ako.

Pero bilang lumalaking bata, madami na akong mga katanungan sa isip noon. Sino ba ako? Saan ako galing? Sino ang mga magulang ko? Bakit nila ako inabandona? Mahal ba nila ako?

Habang tumatagal, ang mga katanungan na 'yun ay nadadagdagan lang at ang masaklap pa ay wala ni isa sa mga tanong na 'yun ang nasasagutan.

Sa pananatili ko sa ampunan, si Ate Mylla lang naman ang nagpakita ng magandang loob sa akin. 'Yung mga bata roon na tulad ko, kahit ang superior ng ampunan ay parang isinusuka ako.

Wala ni isa ang naging malapit sa akin dahil daw iba ako sa kanila at masama raw ang ugali ko kahit na hindi pa nila ako lubusang kilala.

Nilayuan nila ako, minsan ay pinagkakatuwaan pa nga lalo na ng mga batang may Weirdness. 'Yun nga siguro ang tinutukoy nilang kakaiba sa akin, dahil wala akong anomang kakayahan tulad nila.

"Sa lahat dito ikaw lang naman ang walang Weirdness. Siguro, kaya ka iniwan ng mga magulang mo dahil mahina ka at walang magiging silbi sa kanila. Asa ka pang may umampon sa 'yo, basura!" sigaw ni Bert habang pinapalutang ang tabo sa ibabaw ng palad niya. Tawanan naman ang tatlo pa niyang kaibigang sulsol sa likuran niya.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Dec 18, 2023 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

The Crimson Host [ Weirdoverse ] [SLOW UPDATE]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon