4 | Class C •

624 52 60
                                    

📖 THE CRIMSON HOST 📖

|| Class C ||

'AUGUST'

Sabay kaming naglalakad ngayon ni Lexus papunta sa first subject namin. Pareho naming alam na hindi pa simula ng discussion ngayon dahil first day pa lang naman at malamang introduction lang ang magaganap kaya walang pagmamadali ang mga hakbang namin.

Marami rin kaming kasabay na mga tulad naming mga naka-red uniform na papunta rin ngayon sa Hydra Tower, doon lang naman kasi matatagpuan ang mga classrooms kaya iisang direksyon lang ang tahak ng lahat.

Hydra Tower ang tawag sa nine building na nakatayo sa west side ng campus. Hindi naman na question sa amin kung bakit kapangalan ng isang mythical creature na maraming ulo ang tower na 'yun. Tulad kasi ng Hydra, iisa lang naman ito pero maraming building ang nakatayo na magkakatabi at nakapabilog para mabuo ito.

Kung titignan mo sa itaas ay perfect circle nga ang mabubuong shape ng pinagtabi-tabing towering buildings na 'yun kahit pa medyo slope ang terrain. Sa center ng Hydra ay open ground na nilalatagan ng bermuda grass kung saan pwedeng tumambay. May mga kalat na benches at puno at may fountain din sa gitna na may malaking nine headed dragon o Hydra na bumubuga ng tubig.

Based lang sa mga kwento ni Aaron ang alam ko tungkol doon, hindi naman kasi ako pala-basa kahit na kasama pa noon sa binigay na brochure sa amin ang informations ng ilang buildings dito.

Ang alam ko, Hydra Tower consists of nine building na may ten to twelve storey. Bawat building ay nakalaan lang para sa bawat major subjects tulad ng Transfiguration, Spells, Potions, Magical Research, Weirdo Genetics, Weirdo Course at Combat Education. Yung Weirdo Course at Combat Education minsan sa field na ginagawa kasi madalas eh puro training naman 'yun. Wala namang training halls sa Hydra, merong halls para sa respective major subjects tulad ng lab hall para sa Weirdo Genetics at Potions. Meron ding library para naman sa Transfiguration and Spell pero walang training halls. 'Yung ibang building naman ay para sa minor subjects tulad ng Astronomy, Magical History at Theoretical Magic.

Sabi pa ni Aaron, tinatawag nilang Nine Towers of Heads ang Hydra. Hindi ko alam kung bakit, siguro dahil doon madalas nagaganap ang discussions. Kapag nagle-lesson kayo syempre natututo kayo at kapag natututo naman sa utak tumatatak, eh nasa ulo ang utak kaya siguro ganu'n. Hay, ewan! Ang dami pa kasi nilang alam at may pabansag-bansag pa, basta sa Hydra Tower ang mga classrooms, tapos!

Sa ilang minutong lakaran matapos lampasan ang Administration Tower papuntang west ng campus ay natanaw na rin namin ang Hyra Tower. Pababa na ang daan pero hindi padaos-dos dahil maayos naman at concrete ang daan.

"Ayan na ang Hydra Tower! Ayos, ang laki nga sa malapitan!" sigaw ni Lexus na mukhang tangang nakatingala sa nadaanan naming building ng Hydra.

"Hoy! Asan kaya 'yung Third Hydra?" tanong ko sa kanya habang palinga-linga sa mga kasabay namin. Eh, ang dami kasi namin tapos pumapasok na sa iba't-ibang building 'yung iba.

Tinapik niya ang balikat ko para kunin ang atensyon ko, nang tignan ko s'ya ay nakatingala pa rin s'ya at iniikot ng tingin ang nine na building na nakapalibot sa amin. Nasa bandang gitna na kasi kami, may mga sanga-sangang pathway akong nakikita tulad ng nilalakaran namin na papunta sa bawat building tapos 'yung iba open ground na.

"Madali lang 'yan malaman, P're. Tingala ka tapos igala mo paningin mo hindi 'yung puro baba ang tinitignan mo. Kanina ka pa sipat ng sipat ng mga legs d'yan eh!"

'Aba! Tarantado ang isang ito ah! Ginawa pa akong manyakis. Hindi ba pwedeng nakaka-appreciate lang ng makikinis na legs?'

Naiinis man sa huling sinabi n'ya ay ginaya ko na lang din s'ya– tumingala rin ako at inikot ang tingin ko sa bawat building ng Hydra.

The Crimson Host [ Weirdoverse ] [SLOW UPDATE]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon