To My Aces

246 29 10
                                    

️♠️ To My Aces ♠️

Hello everyone! Isang naglulupasay na pagbati para sa lahat, Smiling_Ace lang po ito, oo! Ako lang ito. Chos!

So ayun nga! Hindi ko na papahabain pa ito dahil sa dami ng word counts na nagamit ko rito, hilong-hilo na talaga ako mga Mars, oo! Ayun nga! First of all, dahil tapos na ang ating First Arc for this story syempre ay gusto kong mag-thank you muna sa lahat ng bumasa nito, bumabasa at sa mga babasa pa lang. At syempre ay isang naglulupasay na thankies din para kay theashtone for giving me FIVE MILLION PESOS! Yes! Binigyan niya ako. Chos!! 🤣

Syempre thank you for giving me the opportunity to become part of this verse yun, oo. Hindi ko syempre magagawa ito kung hindi niya ako binigyan ng chance jeevah!? Kaya naman a million thankies for him. Ganu'n din sa mga bumabasa nito na readers niya. Yung mga readers ko kasi, yung TATLONG readers ko, oo. Alam na kasi nila ang bituka ko eh kaya kahit umikot-ikot na ang kwento kung saan-saan nakatawa pa yang mga iyan dahil alam na nga nila ang ginagawa ko at ang way ko ng pagbibigay ng kwento. Pero sa mga avid readers ni TheAshtone na bumabasa nito, syempre alam kong may masasabi kayo lalo na sa style of writing ko.

Yes, nanibago ako at ang ilang readers ko dahil hindi naman ako Englishing na author, opo! Isa lamang akong abang manunulat sa ang gamit na wika ay tagalog ngunit subalit datapwat.. upang mailapit ang kwentong ito kahit papaano sa mga naunang kwento na nasa Weirdoverse ay sinubukan kong magpakabanyaga, opo. Chos!

Yung ma-appreciate niyo pa lang ito ay nagpapasalamat na ako ng malaki lalo na sa pasensya ninyo sa paghihintay at jusko inaabot din ako ng ilang dekada bago mag-update. Sadyang marami lang kasing epal na bad vibes sa buhay kaya hindi nakakapagpatuloy ng bongga pero lumalaban pa rin naman po tayo, opo!

Alam ko na hindi ako kasing husay at never akong magiging kasing husay ng isang TheAshtone dahil cuteness na nag-uumapaw lang talaga ang meron ako, oo. Chareng! 🤣

So ito na nga ang tunay na chismis mga Mars! Oh di ba, ang haba pa ng kuda. 🤭😂

Ito nga! Ngayon na tapos na ang First Arc, ano ba ang mga aasahan natin syempre sa darating na Second Arc? Ayy, by the way. Ang story na ito ay separated into Four Arcs ahh. Baka ang gawin ko, First and Second dito tapos ibang Book naman ang Third and Fourth dahil alam niyo naman na ang dami kong kuda sa kwento for sure aabot ng ilang chapters ito.

So sa Second Arc expect na natin syempre ang mas magulong usapan, oo. Dito pa lang sa ilang nalalabing chapter ng First Arc di ba litong-lito na rin kayo at napakaraming naiwan na katanungan? So sa mga susunod na Arcs syempre unti-unti nating bibigyan ng kasagutan ang mga yun. Pero ang major EVENT talaga ng parating na Second Arc ay ang dapat abangan.

Di ba ang Emerald School of Magic ay may sikat na sikat na Magical Mayhem? Ang lagay ba ay wala ang Sierra Magical Institute? Syempre ay hindi pwede yun kaya't sa darating na halalan– ayy Second Arc pala, oo! Sa darating na Arc ay magbababaan mula sa kalangitan ang mga Dragon sa Norte upang sabay-sabay na aatungal at bubuga ng apoy bilang pagbibigay-daan sa pagbubukas ng isang prestihiyosong patimpalak ng isa sa Limang tinitingala at pinakamalaking Magical Universities sa bansa.. Ang Annual Grand Sierra Games! 

Kaya samahan niyo ulit ang Class C lalo na ako sa susunod na kabanata ng kwentong ito, oo. Habang hinihimay-himay natin ang tunay kwento sa likod ng napakaraming katanungan na naiwan sa kasalukuyan hanggang sa darating ng bukas.

Muli! Maraming Thankies sa lahat. Ito ang inyong hamak na author na nag-uumapaw sa cuteness, Smiling_Ace. See you sa susunod na Arc, My Aces! 😘💕

Spreading Love and Laughter..

Smiling_Ace | JhayEmmJVR

The Crimson Host [ Weirdoverse ] [SLOW UPDATE]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon