52 | Trapped and Permitted •

164 17 10
                                    

📖 THE CRIMSON HOST 📖

|| Trapped and Permitted ||

'AUGUST'

Tumagal ng halos isang minuto ang pagyanig at ang ingay likha ng pagsabog mula sa kung saan. Nang matapos ang pagyanig, biglang bumukas ng pinto ng party hall.

"DAD!"

Tumakbo si Pareng Lex para salubungin ang Dad niya. May mga kasama itong mga staff, security personnel, at ilang mga guests ng hotel.

"Son, are you okay? Ayos lang ba kayong lahat dito?" tanong nito sa anak at sa amin na rin.

"Mr Morfé, ano pong nangyayari sa labas?" bato ng tanong ni Avon sa tanyag na hotelier nang makalapit ito sa amin.

Sandali niya kaming tinitigan lahat bago ito tumigil ng tingin kay Lex. Lahat kami ay naghihintay ng sagot.

Huminga siya ng malalim.

"I don't know," sagot niya. "I don't even know what's going on but we're in a strange situation right now and I know you all know what I mean. You can see and feel it all around."

Kunot noo kaming nagkatitigan ni Pareng Bri, kahit ang iba sa likuran namin ay nagtataka rin.

"Apart from this nerve-wracking ambience of the surroundings, may iba pa po bang strange situation na nangyayari ngayon na hindi namin alam?" tanong ni Rie.

Kahit na siya itong nagsasabing kumalma kami kanina, kitang-kita naman sa panginginig ng mga kamay niya na kinakabahan na rin siya.

"I don't know how to explain it but apart from the sudden change in the surroundings, the most of the people disappeared like a bubble earlier after the surge."

Tumingin siya sa mga guests na pinapakalma ng mga staff niya.

"But not all of them disappeared, there are still some guests left who are Communis. I don't know either but most of those left are Weirdos. It's still confusing right now, I can't explain the whole situation now. But I don't think the weirdos are affected by what's going on because you're all still here."

"Dad! Si Ate?" tanong bigla ni Lex, kita sa mukha niya ang pag-aalala para sa kapatid.

Nilingon siya ng Dad niya. "She's... she vanished."

Nanlaki ang mga mata ni Lex. "What!? What do you mean she vanished? Dad!"

"I don't know, son. Kasama ko lang siya kanina. She was with me then after the surge she vanished," sagot ng dad niya.

"But I think she's fine. I don't know where she is now but I can tell and feel that she's fine."

Lumapit siya kay Lex at tinapik ang balikat nito. "Ayos lang si Lexie, son. Trust me. Sa ngayon, intindihin na muna natin ang sitwasyon natin dito ngayon."

Nagtitigan silang dalawa ng ilang segundo bago tumango si Lex. Hindi na rin siya nagsalita pero halatang nag-aalala pa rin sa kaniyang ate.

Natahimik kaming lahat ng ilang sandali, walang ibang maririnig ngayon sa buong party hall kundi ang iyak at pag-pa-panic ng ilang mga guest. Nagtatanong sila kung anong nangyayari at kung nasaan na ang mga kasama nila pero tulad nila, wala rin kaming maisagot.

Wala rin kaming alam sa kung anong nangyayari. Pero kung may makakapagbigay sa amin ng kahit na maliit na impormasyon sa nangyayari, iyon ay walang iba kundi sina—

"Andrei, anong nalaman mo?" Baling ko sa taong tinutukoy ko. Silang dalawa lang naman ni Joy ang maaasahan namin sa ganitong sitwasyon.

Lahat ay napalingon din kay Andrei na nakayuko lang. Base sa pananahimik nito, halatang may iniisip ito at posibleng may kinalaman ito sa nangyayari ngayon o sa nalaman niya.

The Crimson Host [ Weirdoverse ] [SLOW UPDATE]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon