Chapter 8

16 2 1
                                    

Chapter 8

Odi's POV

"Noong isang araw, gabi na rin tayo umuwi." Aniya habang nag lalakad kami sa daan.

Tumango naman ako. "Oo nga."

"Buti ay may tiwala ka na sumabay sa'kin kahit na hindi pa tayo ganoon na magkakilala." Sabi niya pa. "Akala ko ba ay lamang lang ako ng isang paligo sa sindikato?"

Natawa naman siya samantalang natigilan naman ako. Naaalala ko nga yun.

"B-Biro lang naman yun, sinabi ko lang yun kasi ang kulit mo." Nautal ko pang sagot sa kanya.

Mahina naman siyang natawa kaya naman ay dinugtungan ko pa ang sasabihin.

"Bakit? Ipapahamak mo ba ako? Sige ka pag 'di ako nakauwi sa amin, yari ka sa tatay ko." Panakot ko pa sa kanya na mas lalo niyang ikinatawa.

"Grabe ka naman. Wala naman akong masamang intensyon noh." sagot niya sa akin.

"Alam ko naman." I replied and rolled my eyes.

Natigilan kami sa pag lalakad nang biglang may humarang sa amin na dalawang sasakyan. Bumaba naman ang mga sakay nito. Agad akong natakot sa itsura nila. May mga suot silang bungong maskara at mga nasa anim silang mga nakaharang sa amin.

Kinabahan ako at medyo napaatras. Sino sila?

"Sino ka at ano ang kailangan mo sa amin?" seryosong tanong ni Ravi sa lalaking nasa gitna. Hinawakan naman niya ako at nilagay sa likuran niya.

"Kumusta ka na, Ravi? Naaalala mo pa ba ako?"

Tumaas ang balahibo ko nang mag salita ang lalaking naka-maskara. Napakalalim ng kanyang boses at halatang hindi ito totoo.

Sino ba sila at bakit nila kilala si Ravi?

"Paano ka nakasunod dito?" Ravi asked.

Mahina namang natawa ang lalaking naka-maskara at medyo umabante ng kaunti. "Kailangan pa bang malaman yan?"

Nakita ko ang pag kuyom ng kamay ni Ravi. "Tigilan mo na ako."

Muli na namang natawa ang lalaki pati na rin ang mga kasama niya. Mas lalo naman akong kinabahan.

"Sino ka para utusan kaming tigilan ka? Baka nakakalimutan mo na ang ginawa mo?" tanong ng lalaki.

Nag taka naman ako. Ano bang pinag-uusapan nila? At ano ang ginawa ni Ravi?

"Wala akong ginawang mali, lubayan mo ako." Sagot sa kanya ng kasama ko.

"Shut up, Tanaka. Wala kang magagawa, hindi kita tatantanan hanggat hindi ako nakakabawi sayo." Sagot nito.

Sobrang lakas na ng kabog ng dibdib ko at parang gusto ko ng tumawag at mang-hingi ng tulong. Bakit ba walang ka tao-tao rito? Sobra silang nakakatakot.

Naramdaman ko ang kamay ni Ravi na hinawakan ang palapulsuhan ko at mas lalo akong itinago sa likuran niya.

"Odi." Mahinang bulong ni Ravi nang hindi lumilingon sa akin.

"Kapag tumakbo ako, magpahila ka nalang." Dugtong niya.

"What?" Aligaga kong tanong.

"Nandito kami!" biglang sigaw ni Ravi at kumaway sa likuran ng mga nakamaskarang lalaki.

Nang maalerto sila at napalingon sa likuran nila ay agad akong hinila ni Ravi at patakbong umalis sa kinaroroonan namin.

"Hoy! Anak ng! Habulin niyo!" rinig ko pang sigaw ng isa sa mga naka maskara.

Forelsket BehindWhere stories live. Discover now