Chapter 48

14 0 0
                                    

Chapter 48

Odi's POV

Nilapitan ko si Ravi at ngumiti naman siya sa akin.

"Alam na nila?" tanong niya sa akin.

Tumango naman ako dahil alam ko naman na agad ang tinutukoy niya.

"Kinikilig sila lalo na si Ayani, simula noon pa kasi niya ako inaasar sayo." Pag kwento ko.

Natawa naman siya. "Talaga? Hindi ko alam yan ah."

"Hindi mo kasi napapansin." Tugon ko. "Kahit noong nasa Japan tayo ay patago silang nang aasar."

"E payag naman sila?" bigla niyang tanong.

"Na ano?" taka kong tanong sa kanya.

Lumingon naman siya sa akin at tinitigan ako sa mata. "Na ligawan kita?"

Kahit na sinabi naman na niya ito sa akin kagabi ay nagugulat pa rin ako at kinikilig.

"Bakit? Mang liligaw ka na ba?" tanong ko pa.

Tumango siya sa akin. "Seryoso ako. Gusto kitang ligawan, Odi."

Ilang saglit akong napatitig sa kanya at iniwas din naman ang tingin noong hindi ko na makayanan.

"S-Sige." Pag payag ko.

Nakita ko naman siyang nagulat sa sinabi ko. "Ano? Pakiulit nga ulit."

"Sabi ko sige, pumapayag ako na ligawan mo ako." Pag ulit ko.

"Yes!" masaya niyang sambit at tinaas pa ang dalawang kamao.

Mahina naman akong natawa sa inakto niya. "Tuwang tuwa ka naman, hindi pa nga kita sinasagot."

"Kahit na. Masaya pa rin ako kasi nililigawan na kita." Sagot niya sa akin at lumapit dahilan kung bakit nabigla ako. "Gagawin ko talaga ang lahat, magustuhan mo lang ako at mapa sa'kin ka."

Agad na namula ang pisngi ko at lumayo sa kanya.

"T-Talaga lang ah, tingnan natin." Sagot ko.

Mahina naman siyang natawa. "I'll make you mine, vendeuse."

"Huwag kang mag madali, matuto kang mag hintay." I answered.

Napangiti naman siya. "Of course, I'll wait. Hindi rin naman ako nag mamadali tsaka isa pa ay kukunin ko pa ang loob ng mom and dad mo."

Kinagat ko ang pang ibabang labi ko at hindi nalang sumagot. Mas lalo lang akong nahuhulog sa kanya.

Matapos din ng noon ay kumain kami sa labas. Inaya niya ako na kumain sa labas at libre niya raw.

"Wow, palakas ah." Saad ko at natawa.

Napangisi naman siya. "Hoy, dati pa naman ginagawa ko na 'to 'no."

"Ano ba namang klaseng mang liligaw 'to, nang ho-hoy." Biro ko.

Nagulat ako nang bumulong siya sa akin. "Bakit? Ano bang gusto mo? Baby? Love? Babe? Hmm?"

Agad akong napaiwas ng tingin sa kanya dahil sa mga sinabi niya.

"Ang landi mo." Bulong ko rin na ikinatawa niya.

Matapos niyang makapag order ng pagkain namin ay ilang saglit pa kaming nag hintay hanggang sa dumating ang order namin.

"Thank you." Pag papasalamat niya sa nag hatid ng pagkain sa amin.

Nang malapag na ang mga pagkain ay agad niyang nilapit sa akin ang pagkain ko at inayos niya pa ang mga gamit namin.

"Salamat." Sambit ko at ngumiti lang siya sa akin.

Forelsket BehindWhere stories live. Discover now