Chapter 15

8 1 0
                                    

Chapter 15

Odi's POV

Nasa may terrace kami ng bahay ngayon ni daddy at nakatayo. Nang malapit na kasing mag alas dose ay pumanik na kami rito para abangan ang mga fireworks.

Sabay naming pinanood ni daddy ang fireworks sa langit. Ang gaganda ng mga fireworks! Nakangiti ako habang pinapanood ang mga ito. Iba't iba sila ng kulay at kapag sumabog naman sa taas ay ang ganda pag masdan. May ilan na malalaki at may ilan naman na maliliit lang.

Naramdaman kong sunod sunod na nag vibrate ang phone ko at puro mga greetings ang sumalubong sa akin pag tingin ko.

Chloe:

happy new year everyone!

Ayani:

happy new year!!!!

Ravi:

happy new year, vendeuse!

Napangiti ako at binati rin silang lahat.

Ravi:

kumakain na ba kayo ni tito? happy new year sa inyong dalawa

Odi:

Okay

di pa kami kumakain pero kakain na rin naman after neto

kayo?

Ravi:

kakain na rin pag natapos na 'tong fireworks hehe

ganda 'no?

Odi:

yeah

Tumingin ulit ako sa langit at pinanood ang mga fireworks hanggang sa unti-unti na itong mawala.

"Tara na, Odi. Kakain na tayo." Aya sa akin ni daddy at pumunta ng kusina. Sumunod naman ako.

Hindi katulad noong christmas ay dalawa lang kami ni daddy na nag celebrate ngayon gaya nang naka sanayan simula noong mawala si mommy. Aaminin kong hanggang ngayon ay nangungulila pa rin ako kay mommy at hinihiling ko na sana ay makasama na ulit namin siya.

Hindi buo ang pasko at bagong taon namin ni daddy ng wala siya. Yes, we're celebrating pero may kulang at mapupunan lang ang kulang na iyon kapag nakasama na ulit namin si mommy.

Sila Ayani at Chloe ay sa kanilang bahay nag celebrate hindi tulad noong pasko. Okay lang naman dahil kahit na kami lang dalawa ni daddy ang nag cecelebrate ngayon ay masaya na ako.

Nag simula na kaming kumain ni daddy ng mga handa. Tinulungan ko rin si daddy na mag handa kahit na hindi ako marunong mag luto. Ako na rin ang gumawa ng dessert namin.

Kwentuhan lang kami ni daddy at napag usapan pa namin ang magiging new year's resolution namin. Wala naman akong masyadong binanggit dahil alam kong hindi ko naman magagawa iyon lahat.

Matapos ng new year at makalipas din ng ilang araw ay pasukan na ulit namin at start na ng finals. Mas naging busy kaming lahat at mas lalo na kaming maraming ginagawa ngayon. May ilang mga gabi pa na halos wala akong tulog kakagawa ng mga gawain at kaka-review, kung makakatulog man ay saglit lang din.

"Pahinga ka, Odi. 'Wag mo yang kakalimutan, importante yun." Laging paalala sa akin ni Ravi kapag mag kasama kami. Nahahalata niya siguro na kulang ako sa tulog.

"Nag papahinga naman." Sagot ko sa kanya at bahagyang ngumiti.

Bakit parang hindi man lang siya mukhang stress? Kung ano si Ravi noong kakasimula palang ay ganoon pa rin siya hanggang ngayon.

Forelsket BehindWhere stories live. Discover now