Chapter 53

4 0 0
                                    

Chapter 53

Odi's POV

I'm here with my friends at hanggang ngayon ay hindi ko parin makausap ng maayos si Ayani. Narinig ko pang lagi rin siyang nag kukulong sa kanila kaya mas lalo lang tumindi ang pag-aalala namin.

Halos pareho lang sila ni Ravi na hanggang ngayon ay wala sa hulog.

"Kumusta ka? Kumain ka na ba?" tanong ko sa kanya pag kapasok sa loob ng kwarto niya.

Hindi katulad noon na malinis ang kwarto niya ay iba na ngayon, nag kalat ang mga gamit niya at nasa kama lang siya at nakahiga noong maabutan namin.

Pinag pupulot namin ni Chloe ang mga gamit niya at niligpit iyon.

"Ako na diyan, pasensya na sa kalat." Ani Ayani. "Tapos na rin akong kumain."

"Madami ka bang kinain?" tanong pa ni Chloe.

Tumango lang siya sa amin at iniwas ang tingin. Lumapit kami sa kanya at hinagod ang likuran niya.

"Kumusta ka? Ano nang nararamdaman mo?" tanong ko.

Matagal bago siya nakasagot at nakatingin lang sa kawalan kaya nag hintay kami ng matagal sa isasagot niya.

"Ganoon pa rin. Hindi ko kayang harapin kasi nasasaktan pa rin ako sa mga sinabi niya tsaka sa mga nalaman ko noong isang araw." Sagot niya sa amin kalaunan. "Doon palang sa iniisip ko kung papaano siya kakalimutan ay nahihirapan na ako."

Nasaktan naman ako para sa kaibigan. Saksi ako kung paano sila nag simula at alam ko kung gaano niya kamahal si Daniel. The way she smile kapag nandyan Daniel, kung gaano siya kasaya kapag kasama si Daniel, kung gaano siya kasaya na ikwento sa amin si Daniel. Lahat ay nakita ko kaya masakit din sa akin na makita siyang ganito ngayon.

"Galit ako sa kanya dahil sa mga ginawa niya. He's not just a liar but also a criminal. He killed Nean at hindi ko alam kung kakayanin ko bang magpakita sa araw ng libing niya." Dugtong ni Ayani. "Tsaka isa pa, ang hirap. Hindi ko alam ang gagawin ko. Akala ko, okay kami e. Nakikita ko na yung future ko sa kanya tapos biglang ganito? I didn't expect na ganun ka-halang ang kaluluwa niya."

Nagkatinginan naman kami ni Chloe. Maging kami ay nagulat nang malaman ang balita tungkol kay Nean.

"He will pay for his sins not just to you but also to Nean and his family. Isa pa, 'wag mong pilitin ang sarili mong mag move on. It takes time Ayani, you will heal." Ani Chloe. "Accept it to yourself na dumaan lang siya sa buhay mo. Umiyak ka lang ng umiyak, sige lang. Ilabas mo lahat ng sakit na nararamdaman mo hanggang sa wala ka ng maiyak. Dadating din yung araw na mapapagod ka." Dugtong ni Chloe.

Hinagod ko ang likuran ni Ayani na naka tulala lang pero bakas naman sa kanya na nakikinig siya.

"Lakasan mo yung loob mo. Kahit anong mangyari, whenever na kailanganin mo kami ay nandito lang kami palagi sa tabi mo para damayan ka. Always remember that." Ani ko.

Nakita naming nangilid ang luha sa mga mata niya nang tignan kami.

Niyakap ko naman siya at ganoon din si Chloe. Matagal kaming nasa ganoong posisyon hanggang sa bumitaw kami.

"Kaya mo yan! You're strong, sis. Basta nandito lang kami." We cheered.

Ngumiti lang sa amin si Ayani.

Ravi's POV

"Kumain ka na muna." Sambit ni mommy at naupo sa harapan ko. Hindi naman ako sumagot.

"I know how you feel, it really hurts lalo na kung mahalaga sayo yung tao. Alam kong nahihirapan ka dahil sa mga nangyayari but please, forgive yourself dahil wala ka namang kasalanan." Malumanay niyang sabi.

Forelsket BehindWhere stories live. Discover now