Chapter 9

12 2 0
                                    

Chapter 9

Odi's POV

Napa-iwas naman ako ng tingin sa sinabi ni Ravi. Nahihiya talaga ako sa tuwing pinupuri ako at hindi ko alam ang isasagot.

Nang makarating na kami sa campus ay agad siyang nag paalam sa akin.

"Mauuna na ako. May pupuntahan lang ako sa kabilang building." Paalam niya sa akin.

I nodded my head to him.

Kumaway siya at patakbong umalis.

Nag simula naman na akong mag lakad papunta sa building namin nang marinig ang boses ni Chloe.

"Odi!" tawag niya kaya agad akong lumingon.

Lumapit silang dalawa sa akin at agad kong napansin ang nanunuksong tingin ni Ayani.

"Bakit?" takang tanong ko sa kanya.

Mahina niya akong hinampas sa braso at nag salita. "Ikaw ah, mag kasabay kayo ni Ravi ngayon ah. Napapansin naming nagiging malapit na kayo sa isa't-isa."

"Okay na ba raw kayo? Ano may feelings na bang nabubuo?" tanong naman sa akin ni Chloe.

Napabuntong-hininga naman ako. "Guys, oo okay na kami pero please lang, tigilan niyo na yung pag bibigay ng malisya sa amin. Walang something, okay?"

Sabay naman silang natawa kaya naman ay napabusangot ako. 'Di ko na ata sila mapipigilan sa pang-aasar.

Naging busy kami sa pag-aaral dahil midterm na namin, lalo na ako dahil talagang seryoso ako sa pag-aaral. I'm a consistent honor student at gusto kong manatili sa ganoon kahit na college na ako. I want to be part of Dean's List too.

Dumiretso naman ako agad sa library para hanapin ang librong Structures: Or why things don't fall down at pagkatapos ay nag stay na muna roon para mag-aral.

Ravi's POV

"Really, Ravi? Akala ko ay hindi na kayo magiging okay. Bakit mo ba kasi siya tinigilan sa pangungulit? 'Di ka naman nag sasabi e." tanong sa akin ni Jordan.

Nandito kami ngayon sa room at nakaupo habang nag kekwentuhan samantalang si Nean naman ay nag cecellphone lang at hindi ata nakikinig. Kwinento ko sa kanila na mag kaibigan na kami ni Odi. Her name is beautiful and unique too. Akala ko talaga ay Amira ang pangalan niya pero ayun pala ay iyon ang pangalan ng mommy niya.

Tinigilan ko nga si Odi sa pangungulit ng ilang linggo at hindi ko sinabi sa mga kaibigan ko ang rason. Ang totoo niyan ay kaya ko siya tinigilan ay dahil nararamdaman ko talaga noong gabing yun na naiinis na talaga siya sa akin at sumusobra na ako. I realized that I should stop pestering her at hayaan nalang siya. Tutal ay ayaw nya rin naman na nangungulit ako at isa pa ay mali nga naman ang ginawa ko.

"Mahalaga pa ba yun? Basta! Ang mahalaga ay okay na kami at mag kaibigan na." sagot ko.

Hindi ko na rin binanggit sa kanila ang nangyari kagabi dahil ayaw ko silang mag-alala at isa pa ay wala silang kaalam-alam tungkol doon. Hindi ko tuloy maiwasang mag-alala para kay Odi. Ayoko ring madamay pa siya kaya sana ay hindi na siya makisali. Kaya ko naman sila at ako na ang bahala sa mga yun. May ibubuga  naman ako sa gulpihan kahit papaano dahil black belter ako sa taekwondo at isa rin akong martial artist.

"Ang daya mo talaga, bro!" Angil ni Lukalf.

Natawa naman ako. "Basta mga dude, masaya ako kasi mag kaibigan na kami ni Odi. Hindi naman pala siya masungit e, sadyang makulit lang talaga ako noon kaya lagi niyang nasusungitan."

"Hindi mo naman kasi kinakausap ng maayos e kaya sinusungitan ka." Sabi naman ni Jordan at natawa.

Napakamot naman ako sa ulo. Tama nga naman siya pero ewan ko ba at tuwang tuwa ako kapag nakikita siyang naiinis kaya kinukulit ko.

Forelsket BehindWhere stories live. Discover now