Chapter 12

14 1 0
                                    

Chapter 12

Ravi's POV

Kinukusot ko ang mata ko nang bumangon sa kama. Humikab ako at agad na nag unat. Kinuha ko ang phone ko sa side table para tignan ang oras at nanlaki ang mata ko nang makita na male-late na pala ako!

Fuck! Nakalimutan ko palang mag set ng alarm kagabi!

Agad akong umalis at inayos ang kama. Matapos ay minadali ko ang pag ligo at pag aayos. Pagkababa ko ay agad kong naabutan si mommy na nag hahanda na ng pagkain sa lamesa.

"Oh? May pasok ka pala? Akala ko ay wala." Gulat niyang tanong nang makita ako. "By the way, good morning. Kumain ka na."

"Good morning, mom. Mayroon akong pasok kaso nakalimutan kong mag set ng alarm kagabi kaya late na ako nagising." Sagot ko naman at agad na naupo.

"What? Oh sige, bilisan mo ng kumain diyan. Buti nalang at nakapag handa na ako." Aniya at naupo na rin para sabayan akong kumain.

Dali-dali naman akong kumain at muntik pang mabulunan kaya naman ay agad akong sinuway ni mommy.

"Hinay-hinay lang kasi, Ravi!"

"I'm sorry, mom." I apologized after I drink water.

Pinag patuloy ko ang pagkain pero medyo mabagal na ngayon kumpara kanina. Matapos kong kumain ay agad akong uminom ng tubig.

"Bye, mom! I gotta go!" paalam ko at mabilis na nag lakad palabas ng bahay.

"Take care, son!" bilin ni mom.

Mabilis akong tumakbo papunta ng DU at nakarating rin naman ako ng mabilis. Bigla ko tuloy naalala si Odi kahapon noong sumemplang siya. Kumusta na kaya siya? Nakapasok na kaya siya?

Pag karating ko sa campus ay dali-dali naman akong pumasok sa entrance. Mabilis naman akong naglakad papunta sa sa studio dahil doon ang area kung saan kami gumagawa ng mga ng task na inaasign sa amin ng prof.

As soon as I got there, bumungad sa akin ang mga kaibigan ko at ilan pang mga kaklase. Kaunti pa pala silang nandito. Nakahinga naman ako ng maluwag dahil hindi pa sila nag sisimula.

"Hey bro, late ah." Bati sa akin ni Nean at umapir.

"Badtrip, hindi ako nakapag set ng alarm kagabi." Reklamo ko habang hinihingal.

Nakita ko si Lukalf na naka tungo at natutulog kaya naman ay mahina ko siyang hinampas ng canvas. Agad naman siyang nagising at masama akong tinignan at pagkatapos ay tinaasan ako ng middle finger. Natawa naman ako.

"Gising, dude. Umagang-umaga e." ani ko.

"I don't care." Sagot niya at bumalik ulit sa pag kakatungo.

Maya-maya pa ay dumating na ang prof namin kaya naman ay nagsi-ayos na kaming lahat at ganoon na rin si Lukalf.

"Good day." Bati niya sa amin at inilibot ang paningin. "Mukhang maraming wala, gawin niyo na yung mga naka assign sa inyo."

Agad naman kaming sumunod at nag simula na akong mag umpisa sa pinapagawang activity. Medyo matagal pa akong natapos sa ginawa ko. Sumasakit na nga ang batok ko dahil kanina pa ako nakayuko kaya naman ay nag inat na muna ako at tumingala.

Nag ring ang bell hudyat na breaktime na. Agad na nagsi-tayo ang mga classmate ko at mga kaibigan ko.

"Ravi, tara na!" aya sa akin ni Jordan. "Libre pa kita diba?"

"Huh? Bakit?" takang tanong nila Lukalf at Nean. "Paano kami? Ang daya naman!"

"Ulol, siya lang naman kasama ko sa gym noong sabado." Sagot sa kanila ni Jordan at lumingon sa akin. "Ano, bro? Tara na."

Forelsket BehindWhere stories live. Discover now