Chapter 57

3 0 0
                                    

Chapter 57

Ravi's POV

Habang nag lalakad ako pauwi ay hindi ko maiwasang isipin si Odi at ang napag usapan namin na pansamantala muna naming ihihinto ang relasyon at ipag papatuloy nalang kapag malamig na ang sitwasyon. Hanggang ngayon ay hindi pa rin iyon mawala wala sa isip ko.

Kung tutuusin ay hindi ako sang-ayon, mahal na mahal ko si Odi at ayaw kong itigil ang relasyon namin. Gusto ko ay itutuloy pa rin namin ito despite sa mga nangyayari. Pero.. naisip ko rin na may point din naman ang desisyon niya, masyadong pang mainit ang sitwasyon ngayon laban kay mommy at sa pamilya ni Odi. Kahit ako ay may sama pa ring nararamdaman kay tito, ayaw ko naman sanang maramdaman 'to sa kanya dahil sa loob ng ilang taon naming pag kakakilala ay nakilala ko siya bilang isang mabait na ama kay Odi.

Isa pa ay ama siya ni Odi at kahit anong mangyari ay hindi mag babago iyon. Malaki ang respeto ko sa kanya, hindi lang dahil mas nakakatanda siya kundi dahil ama siya ng taong mahal ko. Pero sa sitwasyon ngayon at sa mga nalaman ko sa kanya ay hindi ko mapigilang magalit at masaktan dahil napakalaking kasalanan ang nagawa niya sa amin.

Pero kahit na may point din naman si Odi ay hindi ko pa rin maiwasang masaktan. Kahit na alam kong pansamantala lang naman ito at alam kong mahal namin ang isa't isa, nasasaktan pa rin ako. Hindi ako mahilig mag overthink at wala sa personalidad ko ang ganoon pero sa pag kakataong ito ay hindi ko maiwasan.

Paano kapag ang pansamantalang iyon ay mag tuloy tuloy na? Paano kapag habang nag hihintay kami sa tamang panahon ay may dumating na lalaki na para talaga sa kanya? Na walang hadlang sa pagitan nila?

I shrugged my thoughts off. Hindi ko dapat iniisip ang mga ganito, parang sinasabi ko na rin na wala akong tiwala kay Odi. I know that she loves me and I should trust her. Kung ganoon ang gusto at desisyon niya ay rerespetuhin ko yun. If this is the only way for us to work in the future then I won't hesitate to agree on this. Kahit na may parte sa akin na ayaw ay titiisin ko yun, basta maging kami lang hanggang sa huli.

Pag pasok ko sa loob ng bahay ay laking gulat ko sa nakita kaya napahinto pa ako sa may pinto.

It was my dad, sitting on the sofa.

Nang makita ako ay agad siyang napatayo. "Ravi, you're already here. Kanina pa ako nag hihintay sayo."

"Anong ginagawa niyo rito?" gulat kong tanong kay dad.

Mahina naman siyang natawa. "Binisita kita, ano pa nga ba?"

"Bakit hindi niyo man lang ako tinawagan? Bakit wala kang pasabi?" nag tataka ko pa ring tanong.

Umupo naman siya ulit kaya naman ay naupo rin ako.

"Balak kong surpresahin ka, that's why Actually, kahapon pa ako nandito at bumalik nalang ako ngayon dahil sa urgent meeting kagabi." Tugon sa akin ni dad.

Nagulat nga ako. Hindi ko inaasahan na uuwi siya rito.

"Kailan ka nakarating, dad?" I asked again.

"Kahapon lang." Sagot sa akin ni daddy.

Bigla tuloy pumasok sa isip ko si mom. Is she okay? Na nandito si dad? Kung nagulat ako ay malamang ay mas nagulat siya.

"Umalis kasi ako kahapon. By the way, kumain ka na ba?" tanong ko nang mapansin ang pagkain sa harapan.

"Hindi pa, hinintay kasi kita para masabayan mo ako." Dad replied.

"Then, let's eat." Aya ko at nag simula nang kumain. "How are you, dad?"

Tumango tango si dad. "I'm fine."

Tinapik naman niya ako sa balikat.

"Kumusta ka rin pala?" tanong naman niya sa akin ngayon.

Forelsket BehindWhere stories live. Discover now