Chapter 36

14 1 0
                                    

Chapter 36

Ravi's POV

Free day namin kaya naman ay nag aya sila na mag gym. Si Nean ang sumundo sa amin at pagkarating namin doon ay nag simula na agad kami.

"Nandyan yung childhood friend mo 'no?" tanong nila sa akin nang matapos kami.

Tumango naman ako. "Ah, oo. Bakit?"

"Wala lang. Curious lang ako kung anong reaction ni Odi sa kanya. Nag kita na ba sila?" tanong ni Jordan.

"Oo, noong kakarating lang ni Himari." Sagot ko.

"Really? Anong reaction nila sa isa't isa?" kuryosong tanong naman ni Nean.

Inisip ko naman ang reaction nila. "Hmm, okay lang naman. Although, mukhang hindi naman sila masyadong nag uusap pero okay naman sila."

"Talaga?" Lukalf said.

Tumango tango ako sa kanila. "Oo. Bakit ba kayo curious sa magiging reaction nila?"

"E syempre, parehas mong kaibigan e." sagot nila.

"So? Hindi naman ganoon ka big deal tulad lang ng sa inyo tsaka kay Daniel." I replied.

Nag kibit balikat naman sila. "Sabagay."

Umuwi na rin kami matapos noon at habang nag lalakad ako pauwi sa bahay ay nakasalubong ko si Odi. Halatang nag jojogging siya at nang makita ako ay bahagya pa siyang nagulat.

"Tapos ka na bang mag jogging?" tanong ko dahil napansin kong pawisan na rin naman siya.

Unti-unti naman siyang tumango sa akin. "Oo. Bakit?"

"Free ka ba?" tanong ko ulit. "Tara, basketball na muna tayo."

Ilang saglit pa siyang hindi sumagot bago pumayag sa alok ko.

"Sige, saglit lang. Kunin ko lang yung bola sa bahay." Paalam ko sa kanya at dali daling pumasok sa loob.

Pag pasok ko ng bahay at pag kuha ko ng bola ay lalabas na sana ako nang makita si Himari.

"Anong gagawin natin?" tanong niya sa akin at napatingin sa bola na hawak hawak ko. "Oh, mag babasketball tayo? Sure! Tara na."

"Actually, mag babasketball kami ni Odi." Sagot ko dahil iyon naman ang totoo. Wala naman akong sinabi na mag babasketball kaming dalawa.

Napakurap kurap siya sa sinabi ko bago sumagot. "Si Odi? Marunong siya?"

"Marunong naman din kahit papaano." Sagot ko at nag lakad na palabas.

Sumunod naman siya sa akin. "Sali ako sa inyo, please?"

"Mukhang hindi ka naman ganoon ka marunong sa basketball. Pwede ka namang sumama basta manood ka nalang." tugon ko.

Alam kong hindi siya marunong mag basketball dahil hindi naman niya ito hilig. Minsan nga ay hindi siya nanonood o 'di kaya ay tumatanggi kapag inaaya ko siyang manood noon. Nakakapanood lang siya kapag may laro ako.

"Then you can teach me, boo. Please? Gusto ko ring matutong mag basketball para tayo nalang yung mag lalaro palagi. Samahan kita." Aniya. "Sali ako?"

Napakamot naman ako sa ulo ko. "Okay, fine."

Lumabas na kaming dalawa sa loob ng bahay at naabutan si Odi na nag hihintay. Nang makita ako at ang kasama ko ay bahagya pa siyang nagulat.

"Kasama pala natin siya mag laro." Sambit ko nang makalapit.

"Right! Mag papaturo rin ako kay boo! You don't mind naman diba if sasali ako? I mean, why not naman diba? Basketball lang naman 'to and besides sabi ni Ravi ay marunong ka naman daw pala kahit papaano, so you don't need him that much na sa game. You can play on your own nalang habang tinuturuan ako ni boo." Singit ni Himari.

Forelsket BehindWhere stories live. Discover now