Chapter 65

7 0 0
                                    

Chapter 65

Ravi's POV

Nakalubog ako sa kama ko nang biglang may nag doorbell sa condo ko kaya naman ay agad akong napabalikwas ng bangon.

Pag bukas ko ng pinto ay agad na bumungad sa akin ang kapitbahay ko na kakilala ko na rin. Hawak hawak niya sa kanang kamay niya ang anak niyang lalaki.

"Good morning, Ravi! Sorry, naistorbo ba kita?" tanong niya sa akin.

Ngumiti naman ako at umiling. "Hindi naman."

"Pasensya na ah. Busy ka ba? Balak ko kasi sanang ibilin ulit sayo si Yoshi. Okay lang ba?" tanong niya sa akin.

Napatingin naman ako kay Yoshi na anak niya at nakita ko itong titig na titig sa akin. Ngumiti naman ako sa kanya atsaka binalingan ulit ng tingin ang nanay niya.

"Sure, no problem. Mabuti nalang din at free ako ngayon." Pag payag ko.

Napangiti naman siya sa akin. "Thank you. May pupuntahan lang din kasi kami sa Nagasaki at bukas pa kami ng umaga makakabalik. Hindi ko naman pwedeng isama si Yoshi."

"Okay lang, wala namang problema sa akin iyon. Ingat kayo." Ani ko.

"Thank you talaga, Ravi." pasasalamat niya sa akin samantalang ngumiti lang ako.

Pinalapit naman niya sa akin si Yoshi at binigay ang ilang gamit nito.

"Yosh, aalis na muna si mommy ah? Babalik din ako. Dito ka na muna kay uncle Ravi, okay?" sambit ng mommy niya.

Napatango naman si Yoshi.

"I love you. Sige na at pumasok na kayo sa loob." Tugon niya at tinaas ulit ang tingin sa akin. "Salamat talaga."

Hinalikan niya pa ang noo ni Yoshi bago umalis samantalang kumaway lang ang bata. Nang makaalis na ang mommy niya ay agad ko na siyang inaya sa loob.

Nilagay ko ang kanyang gamit sa sofa at pagkatapos ay hinayaan siyang maupo roon.

"Kumusta ka, Yoshi? Have you already eaten breakfast?" tanong ko sa kanya.

Tumango naman siya sa akin kaya ngumiti ako at ginulo ang buhok niya.

Apat na taong gulang na si Yoshi at only child lang siya sa kanila. Tatlong beses na rin siyang iniwan sa akin ng mommy niya kaya kilala ko naman na at ganoon din siya sa akin.

Tuwang tuwa ako sa kanya dahil napaka bait at galang din. Ang cute niya rin kaya paminsan minsan ay pinipisil ko ang pisngi niya.

"Saglit lang ah. May gagawin lang muna saglit si uncle. Okay lang ba?" paalam ko sa bata.

Tumango naman siya sa akin at ngumiti kaya napatayo na ako.

Pumunta ako sa table ko sa mini office sa room para asikasuhin ang gawa ko saglit. I'm still processing things at 'di pa tapos sa ibang designing pero nakapag usap naman na kami ng engineer na makakasama ko sa project.

Habang nag tatrabaho ako ay napahikab naman ako dahil sa antok. Kulang din kasi talaga ang tulog ko kagabi.

Sinilip ko naman ang relo ko at nakita kong 8:30 na pala ng umaga. Nagulat naman ako nang saktong paglingon ko ay nasa likuran ko pala si Yoshi.

"Anong ginagawa niyo?" kuryoso niyang tanong sa akin.

Agad naman akong sumagot. "Gumagawa ako ng papers."

Sinilip naman niya ang gawa ko at pagkatapos ay namangha.

"Wow! Parang bahay ni spiderman!" mangha niyang sinabi.

Forelsket BehindWhere stories live. Discover now