Chapter 64

5 0 0
                                    

Chapter 64

Ravi's POV

Mabilis na nag daan ang panahon at tatlong taon na ang nakalipas simula noong bumalik ako rito sa Japan. Sobrang bilis nga dahil halos hindi ko man lang 'to namalayan, siguro ay dahil na rin sa trabaho ko. Nakakapagod din talaga pero masaya naman ako.

Kasalukuyan akong umiinom ng canned coffee habang nasa office ko. Nilapag ko na muna ito saglit at tinignan ang gawa ko matapos ay nilapag ko iyon nang may kumatok sa opisina ko.

"Come in." anunsyo ko at uminom ulit.

Nginitian ko naman ang pumasok na isang lalaki at babae na mukhang mag-asawa.

"Maupo kayo." Ani ko at minuwestra ang upuan sa harapan ko.

Ngumiti rin naman sila pabalik sa akin nang maupo.

"Good afternoon, Architect Tanaka. Kami na talaga ang mismong pumunta rito para makilala ka." Saad noong lalaki.

Nag taka naman ako sa sinabi nila kaya agad silang nag pakilala.

"I'm Mr. Sakaguchi and this is my wife. Kami yung tumawag sa iyo kahapon, gusto kasi naming kumuha ng architect para sa gagawing small time redevelopment." Pag papakilala nila.

"Sana ay kinausap niyo muna ang secretary ko para maasikaso kayo ng maayos, mabuti nalang at tapos na ang meeting ko." Sambit ko.

"No. Sinadya talaga naming puntahan ka ng personal." He answered.

Agad naman akong napatango tango nang maalala iyon. Naalala ko nga ang pag uusap namin kahapon.

Tumikhim naman ako at tinignan silang dalawa.

"I'm sorry, Mr. and Mrs. Sakaguchi. I don't want to be rude pero may ginagawa pa kasi ako as of now at ongoing ang project, hindi ako sigurado kung magagawa ko agad agad yung sa inyo." I politely answered. "If you don't mind, isusuggest ko nalang kayo sa kakilala kong architect. He can do your planning."

Agad namang sumagot si Mrs. Sakaguchi. "It's okay. Kami ang mag aantay na matapos ka. It's not that we don't trust other architects out there but, mas gusto namin na ikaw dahil paniguradong maganda ang designs mo."

Ngumiti naman ako sa sinabi ni Mrs. Sakaguchi. Masaya ako na makatanggap ng mga ganitong papuri dahil nalalaman ko na talagang worth it ang lahat ng pagod at stress ko.

"Diba ikaw yung designer sa likod noong naging famous na straktura? Yung Wavin' Building?" tanong ni Mr. Sakaguchi.

Agad naman akong tumango sa tanong niya. "Yes, ako nga."

It's actually a big project at masaya ako na naging successful ito.

Nakita ko ang manghang dumaan sa itsura nila at pagkatapos ay ngumiti ng malawak sa akin.

"Hindi kami nag mamadali. Hihintayin naming matapos ka." Ani nila.

Ngumiti ulit ako. "Thank you for trusting me, Mr. and Mrs. Sakaguchi."

Nginitian lang nila ako at pagkatapos ay nag bow kaming tatlo sa isa't isa bago sila umalis. Naiwan naman ako roon kaya nag patuloy na ako sa pag tatrabaho.

Ilang saglit pa ay tumigil na muna ako at tinignan ang sketch ko sa laptop. Napabuga ako ng hangin atsaka nag inat ng kamay. Matapos noon ay napasandal na muna ako sa office chair ko at nilagay ang dalawang kamay sa may batok. Pag tingin ko sa may gilid ng table ay nahagip ng paningin ko ang stuffed toy na bigay sa akin ni Odi.

I.. suddenly miss her.

Hanggang ngayon ay nandito pa rin ang binigay niya sa akin. Ni minsan ay hindi ito nawalay at lagi kong nakikita.

Forelsket BehindWhere stories live. Discover now