Chapter 28

12 1 0
                                    

Chapter 28

Bowen's POV (Unknown Character)

Nakaupo ako sa may upuan habang hawak-hawak ang phone ko at nakalagay sa may tenga.

"Boss, ano bang plano natin? Nasa Japan si Ravi ngayon kung hindi mo alam." The owner of the voice said.

Napangisi naman ako nang marinig ang sinabi niya.

"Wala tayong gagawin, walang planong susundin. Hintayin niyo ang utos ko." Sagot ko sa kanya.

"Pero sayang ang pagkakataon boss. Isang salita mo lang at tutuluyan ko na 'to." pilit niya pa.

"Manahimik ka. Kapag sinabi kong wala tayong gagawin, talagang wala. Naiintindihan mo ba?" seryoso kong tanong.

"Yes, boss." pag hingi niya agad ng paumanhin.

"Good. Ibababa ko na 'to, gawin mo nalang ng mabuti ang trabaho mo diyan. Tatawag ako kapag may plano na." paalam ko at binaba na ang tawag.

Binuga ko ang apoy ng sigarilyo sa bibig ko at napangisi sa iniisip.

Nasa Japan ka pala ngayon, Ravi. Sana ay mag enjoy ka sa mumunting bakasyon mo.

Matagal na akong nag titimpi sayo at matagal na kitang pinag hahandaan. Gustong gusto na kitang pahirapan at gustong gusto na kitang makitang lumuhod habang nag mamakaawa sa'kin na tigilan na. Matitikman mo rin ang galit ko, Ravi. Dadating din ang araw na makakabawi ako sayo at sa ginawa mo sa'kin.

Kumuyom ang kamao ko sa iniisip.

Kapag nakikita ko ang pag mumukha mo ay mas lalo lang akong nag ngingitngit sa galit. Gusto na talaga kitang pahirapan pero bubwelo muna ako, sa ngayon ay mag saya ka na muna.

May lumapit sa aking mga naka maskara ng bungo at nag bigay respeto na muna sa akin bago mag salita.

"Nasa Japan pala si Ravi. Wala ba tayong gagawin?" tanong ng isang naka maskara.

Tumayo ako habang naninigarilyo at hinarap sila. "Hindi na muna tayo gagalaw hanggang sa makauwi siya. Pabayaan na muna natin siya roon."

"Sabik na sabik na yung kamao ko na sapakin siya." Sabi ng isa at pinatunog pa ang kanyang mga daliri.

I smirked. "Pabayaan na muna natin siya roon. Hayaan niyo na munang mag enjoy, kayo naman. Hintayin natin dahil kapag nakabalik siya rito ay may sorpresang sasalubong sa kanya."

Mas lalong lumawak ang ngisi ko at natuwa naman ang mga naka maskarang nasa harapan ko.

Humanda ka sa pag babalik mo, Ravi.

Odi's POV

Maaga akong nagising dahil sa cellphone kong tumutunog. Pag tingin ko rito ay si daddy pala ang tumatawag. Ofcourse, wala namang iba dahil apat lang naman silang nandito sa contacts ko at ang tatlo pa ay nandito at kasama ko.

"Hello, dad?" pag sagot ko sa tawag.

"Naistorbo ba kita? Pasensya na." tanong niya agad sa akin ng mapansin ata na inaantok pa ang boses ko.

Umiling naman ako kahit naman hindi niya ako nakikita. "Hindi. Okay lang dad, sakto lang din naman yung pag tawag niyo sa'kin."

"Oh sige, kumusta ka pala? Kumusta kayo?" tanong sa akin ni daddy.

Tumikhim naman ako. "Okay lang, dad. Wala nga pala kami sa hotel ngayon, nakalimutan kong sabihin sa inyo."

"Bakit? Saan ba kayo?" taka niyang tanong.

"Sa bahay ng daddy ni Ravi. Ang ganda pala ng bahay nila rito." Kwento ko naman.

He snorted. "Really? Hanggang kailan kayo diyan?"

Forelsket BehindWhere stories live. Discover now