Chapter 22

6 1 0
                                    


Chapter 22

Ravi's POV

Matapos kong mahatid si Odi sa bahay nila ay dumiretso na rin akong umuwi. Kakatapos lang din ng klase namin. Pagpasok ko sa gate ay naabutan ko si mommy na nag didilig ng mga halaman na inaalagaan niya. Hindi naman ganoon ka mahilig si mommy sa mga halaman pero nag aalaga pa rin naman siya ng mga ito.

"Hi! How's your day?" bati agad sa akin ni mommy at hinalikan ko siya sa pisngi. Hininto na muna niya ang ginagawa.

Ngumiti ako sa kanya. "Okay lang naman, mom. Busy na kasi kami ngayon kasi next week na finals e. Lahat naman ay babad na sa reviewing, especially my friends."

"Really? Sabihan mo sila na 'wag kamong kalimutan ang mag pahinga." Nag-aalalang sinabi ni mommy.

I nodded my head. "Yes, sinabihan ko naman po sila."

"E ikaw? Kumusta ka naman? Nag aaral ka ba ng mabuti, Ravi?" she asked.

"Ofcourse, mom. Minsan naman ay sabay kaming nag rereview nila Nean tsaka minsan ay kami ni Odi." Sagot ko.

Napangiti naman siya. "That's good! How is she, by the way?"

Pumasok na kami sa loob ng bahay at dumiretso naman siya sa kusina kaya naman ay sumunod ako sa kanya. Mukhang may pagkain ng hinanda si mommy para sa akin ah.

Ganoon naman talaga siya, lagi siyang nag hahanda ng pagkain sa akin kada galing ako sa school or gala. She's the sweetest.

"Okay lang naman siya, busy din para sa finals." Sagot ko at kumuha ng pagkain na hinanda niya. "Mom? Naalala niyo ba yung nakwento ko sa inyo na nanalo sa miniature exhibit contest si Odi?"

Nag taka naman siya. "Yup. Bakit?"

"Kanina kasi ay sinabihan niya ako tungkol sa prize na natanggap niya." Pag sisimula ko. "Yung prize kasi na natanggap niya roon is cash with free plane tickets, isang linggo roon. Bale, package tour sa loob ng one week."

Nagulat naman si mommy. "Talaga? That's a good prize! Kailan ang alis niya?"

"Hindi lang siya, mom. Bali kasama rin ako tsaka yung dalawang kaibigan niya. Ayun kasi yung sinabi niya sa akin kanina. Pero yun ay kung papayag kayo, mom." Sabi ko. "Okay lang ba na sumama ako? Advantage rin po kasi na sasama ako para may kasama din silang tiga roon. Para hindi na kailangan ng tour guide."

Ilang saglit na muna akong tinitigan ni mommy bago tumango sa sinabi ko.

"Sure, why not? Okay lang naman sa akin, maganda nga iyon." She replied. "Alam ko rin namang miss mo na ang Japan dahil doon ka lumaki."

Napangiti naman ako. "Thank you, mom. After finals pa naman yung flight namin. Sabi sa akin ni Odi ay Monday daw at four thirty ng umaga."

"Ang aga pala ng flight niyo, anak. Don't worry, wala namang problema sa akin."

Agad naman akong ngumiti sa kanya. "Thank you, mom."

"It's okay, son. It's alway okay." Aniya. "Ay by the way pala, may balak ka bang bumisita sa daddy mo pag nakarating na kayo roon?"

Napaisip naman ako sa sinabi ni mommy. Oo nga 'no. Miss ko na rin naman si daddy at ayoko rin namang palampasin na hindi siya bisitahin habang nasa Japan ako. Alam kong matutuwa rin siya pag nakita ulit ako.

Sa katunayan nga ay medyo hindi pa siya kumbinsido na dito na ako mag-aral pero wala naman na siyang nagawa dahil ito rin naman ang gusto ko. Sinuportahan nalang niya ako.

Tumango ako sa sinabi ni mommy. "Yes, bibisitahin ko siya roon kahit saglit lang."

"Oh sige, mabuti naman." She mumbled.

Forelsket BehindWhere stories live. Discover now