Chapter 43

6 0 0
                                    

Chapter 43

Odi's POV

Nagulat ako sa mga sinabi ni Ravi kanina. Ang akala ko kasi ay ibubulgar niya na ang natuklasan namin kagabi.

Bigla tuloy sumagi sa isipan ko ang nangyari matapos naming makita at marinig ang dalawang naka maskarang nag uusap sa may rooftop.

Flashback

Nang maramdaman naming wala na yung dalawang nag uusap ay umalis na rin naman kami kaagad doon sa place dahil baka ay matunugan pa kami. Gulat pa rin kami sa nakita at sa mga narinig.

"Anong balak mo noong nalaman mo na yung tungkol doon?" I asked him.

Matagal bago nag salita si Ravi.

"Sa ngayon, wala na muna tayong pag sasabihan sa nalaman natin dahil panigurado na mag iingat ng galaw yung culprit. Sa ngayon ay tayo tayo na muna ang makakaalam tungkol sa XyX, pag aaralan ko pa ng husto yung about sa drugs at susubukan ko pang ibigay yung makakaya ko para rito." Sagot niya sa akin.

Napatango tango naman ako at naisip ang narinig naming usapan kanina.

"Nabanggit ng isa sa mga nag uusap kanina yung pangalan mo." Sambit ko.

Nag karoon naman ako ng conclusion sa isip ko. Na baka.. possibleng..

"Base sa pag uusap nila kanina, mukhang isa doon ang may galit sayo.." dugtong ko pa. "What if.. yung taong may galit sayo na yun ang may pakana ng lahat at possible rin na siya yung bumaril sayo?"

Hindi naman siya nakasagot at nag katinginan lang kami matapos ng sinabi ko.

End of Flashback

Naramdaman kong tinapik ako ni Chloe kaya naman ay napalingon ako sa kanya.

"Bakit tulala ka sa bintana? Nag fi-feeling ka ba na nasa isang music video ka?" biro niya pa at natawa.

Agad naman akong umiling at bumalik sa katinuan. "May naisip lang ako."

"Grabe 'no? Totoo kaya yung mga sinabi ni Ravi kanina pati na rin yung kahapon?" tanong naman ni Ayani.

Umagree naman si Chloe. "Parang malakas talaga yung hinala niya na ayun talaga yung dahilan kung bakit nahihimatay yung ilang mga estudyante."

Bakas sa mga itsura nila ang pag tataka. Gustuhin ko mang sabihin sa kanila ang totoo ngunit ayoko rin namang pangunahan si Ravi.

"Sundin nalang natin yung sinabi ni Ravi para sa ikatatahimik ng lahat." Saad ko.

"Ano pa nga ba." Ayani replied. "Ang daming issue. Ngayon pa talaga na graduating na tayo, baka mag ka aberya pa doon lalo na ngayon na hindi natin alam kung kailan tatagal yung walang klase."

Napabuntong hininga nalang kami dahil tama nga siya. Hanggang kailan kaya ito at kailan kaya ito masosolusyunan?

Lukalf's POV

Nag tataka ko naman silang sinundan at pagkarating namin sa abandoned place ay naupo si Jordan kaya ganoon nalang din ang ginawa ko.

"Ano bang nangyayari? Ano yung mga sinasabi ni Ravi kanina? Kasi wala akong maintindihan." Naguguluhan kong tanong sa kanilang dalawa.

Binura naman ni Ravi ang mga nakasulat sa chalk board at nag simula ng iexplain sa akin ang mga nangyari.

"Pasensya na kung hindi namin nasabi agad. Gusto lang kasi naming maging payapa ang lahat lalo pa't ngayon na wala pa akong idea kung sino ang may gawa ng lahat ng 'to." Umpisa niya na mas lalong ikinakunot ng noo ko.

Forelsket BehindWhere stories live. Discover now