Chapter 40

13 0 0
                                    

Chapter 40

Odi's POV

Nakaupo ako ngayon sa clinic habang hinihintay na magising si Ravi. Binigyan na rin ako ng gamot at sinabihan din ako na baka ay maya maya rin ay magigising na si Ravi.

Sobrang nag alala ako sa kanya kanina at grabe ang kaba ko. Akala ko ay nilalagnat siya kaya siya nahimatay ngunit hindi naman siya mainit noong hinawakan ko. Mabuti nalang at may mga lalaking estudyante roon para tulungan akong dalhin dito sa clinic si Ravi.

Maya-maya pa ay dumating sila Chloe at Ayani kasama si Daniel. Bakas sa mga itsura nila ang pag aalala kay Ravi. Matapos kasi naming madala si Ravi rito ay agad ko silang minessage kaya naman ay nandito sila.

"Kumusta si Ravi? Ano bang nangyari?" tanong nila sa akin.

"Hindi ko alam. Basta nag uusap lang naman kami kanina habang nag lalakad pero nagulat ako noong pag lingon ko ay saktong natumba siya." Sagot ko. "Hindi pa siya nagigising ngayon pero binigyan naman na ako ng gamot, baka raw ay maya-maya lang din ay magigising na siya."

"Hala, e ano kayang nangyari?" Chloe asked.

Nag kibit balikat nalang ako at binalingan si Ravi na ngayon ay mahimbing pa ring natutulog.

"By the way, pinaalam ko na kanila Nean yung nangyari kay Ravi. Baka maya-maya lang din ay nandito na sila." Daniel said at tumango nalang kami.

Hindi rin nag tagal ay dumating na rin ang mga kaibigan niya. Bakas din sa mga itsura nila ang pag-aalala sa kaibigan.

"How is he? Nagising na ba siya?" Nean asked in a concerned voice.

I shook my head. "Hindi pa pero baka mamaya ay magising na rin siya."

They also asked what happened at inulit ko naman sa kanila ang sinabi ko kanila Chloe.

"Alam na ba ni tita 'to?" tanong naman ni Jordan sa akin.

Bigla ko tuloy naalala si tita, sigurado akong mag aalala yun kapag nalaman niya.

Umiling ulit ako kay Jordan. "Hindi pa. Nag papanic na rin kasi ako kanina kaya hindi ko na natawagan pa."

"Hayaan nalang natin na si Ravi na ang mag sabi, sa ngayon ay hintayin nalang muna natin siyang magising." Saad ni Lukalf at naupo sa isa sa mga upuan na naroroon.

"May laro pa siya mamaya diba? Paano pala yun?" Ayani asked.

Nag kibit balikat naman ako. "Okay lang naman siguro kung hindi siya sumipot kung sakali diba?"

"Pwede naman siguro. I'll inform sir Gideon about this." Chloe answered.

Maya-maya lang din ay sabay kaming napalingon kay Ravi noong magising ito at bumangon. Agad naman akong dumalo sa kanya.

"Okay ka lang ba? Anong nararamdaman mo?" nag aalala kong tanong sa kanya.

Mahina siyang napatango tango sa akin. "I'm okay. What happened?"

"Nawalan ka ng malay kanina kaya dinala ka namin agad dito sa clinic." Sagot ko naman.

"Call the doctor, please." Dinig kong utos ni Nean sa likuran ko at naramdaman kong tinawag nga ni Chloe ang doctor.

Ilang saglit lang din ay dumating na ang doctor at agad na sinuri si Ravi.

"He's now okay. Kailangan niya lang ng pahinga kasi mukhang severe migraine ang nangyari sa kanya kaya nag cause ng vertigo." Explain sa amin ng doctor at napatango tango naman kami.

Matapos noon ay kinuhanan niya pa ng blood pressure si Ravi at pinainom ng gamot bago nag paalam sa amin na aalis. Sinabihan niya rin na mag pahinga si Ravi.

Forelsket BehindWhere stories live. Discover now