Chapter 63

3 0 0
                                    

Chapter 63

Ravi's POV

Tahimik lang kaming umiinom ni mommy at alam na niya ang nangyari kay dad dahil kwinento ko.

Isang linggo na rin ang nakalipas noong madetain si daddy at ngayon ang araw ng pag lilitis ng kaso niya.

"Mom, can we talk?" tanong ko kay mommy. "I just wanna say something."

Tumango naman si mommy at sumagot. "Go ahead."

Nilunok ko na muna ang kinakain bago mag ipaalam sa kanya ang plano ko.

"I'm planning to go back to Japan.." ani ko.

Natigilan naman agad si mommy sa kinakain niya at napatingin sa akin.

"Anong gagawin mo roon? Saan ka tutuloy? Wala na ang daddy mo roon." Sunod sunod na tanong niya sa akin.

Uminom naman ako ng tubig. "May tutuluyan ako. May binigay na condo unit sa akin si dad na sa akin mismo nakapangalan. Doon ako mag se-stay."

"Iiwan mo na ba ako rito?" malungkot na tanong sa akin ni mommy.

Kaagad naman akong tumayo at nilapitan siya.

"Bibisitahin ko pa rin naman kayo rito. I'm trying to adjust sa family nila Odi kaya.. aalis ako." Sagot ko.

Napahawak naman sa kamay ko si mommy. "Hindi mo naman kailangang umalis. Dito ka nalang."

Malungkot naman akong ngumiti sa sinabi ni mom. Kung tutuusin din naman kasi ay napamahal na rin ako rito kaya malungkot din para sa akin ang umalis.

"I'm a Japanese at taga roon talaga ako, mom. Gusto ko rin na rin namang bumalik sa home ko." Saad ko. "Huwag kayong mag-alala kasi bibisitahin ko naman kayo yearly or twice a year pa, birthday mo at holidays na rin."

Nakita kong nalungkot si mommy sa mga sinabi ko at ilang saglit pang hindi sumagot. Maya-maya ay napatingin siya sa akin.

"I can't force you to stay, malaki ka na at may sarili ka ng desisyon kaya wala na akong magagawa." Tugon niya sa akin.

Napangiti naman ako ng mapait. "Thank you, mom."

Bumalik na ako sa pag kakaupo ko at pinag patuloy ang pagkain.

"Kailan pala ang alis mo?" tanong ni mommy sa akin.

Agad naman akong sumagot. "After ng judgement."

Nabigla naman si mommy sa sinagot ko.

"Talaga bang agad agad? Hindi ba pwedeng next month nalang, anak?" tanong niya sa akin.

Umiling naman ako. "Gusto ko ng umalis as soon as possible."

Matagal bago ulit nakasagot sa akin si mommy at kalaunan ay tumango tango nalang.

"Alam na ba ito ng mga friends mo?" tanong niya sa akin.

I nodded my head. "Nasabi ko na last week."

"How about.. Odi?"

Natigilan naman ako sa pagkain nang maalala si Odi. Nasabi ko noong nakaraan kay tito na 'wag ipaalam sa kanya kaya malamang ngayon ay wala pa rin siyang ka idea idea.

"Hindi." Tugon ko.

"Why? I think, she deserves to know, anak." Sambit ni mom. "After all, may pinag samahan din naman kayo."

Dahan-dahan naman akong umiling. "Hindi na. Mas makakabuti kung hindi ko nalang sasabihin sa kanya."

"Are you sure? I'm sure na.. masasaktan siya kapag nalaman niya iyon kalaunan." Mom said worriedly.

Forelsket BehindWhere stories live. Discover now