Chapter 24

10 1 0
                                    

Chapter 24

Odi's POV

Nag lalakad na kami palabas ng Haneda airport at napansin ko si Ravi na may kinakalikot sa cellphone. Maya-maya pa ay lumayo siya kaunti sa amin habang nakalagay ang phone sa tenga niya. Siguro ay tinawagan na niya ng mom niya.

Bigla ko tuloy naalala ang bilin sa akin ni daddy kaya naman ay nag message ako sa kanya na nakarating na kami sa Japan.

"Mom, nandito na kami. Kumusta kayo diyan?" dinig kong sabi ni Ravi sa kabilang linya.

"Huwag niyong kalimutan na uminom ng gamot at mag pahinga." Bilin naman niya.

Hindi naman ako nakikinig pero kasi ay kahit na medyo lumayo na siya sa amin ay nadidinig pa rin ang boses niya.

Binaba ko ang paningin ko ng tumunog iyon.

Dad:

okay, ingat kayo dyan.

kumusta byahe?

Odi:

okay lang, dad

kumusta kayo dyan?

Dad:

okay lang

sige na, wag ka ng mag reply

tawagan mo nalang ako mamaya

Hindi na nga ako nag reply sa text ni daddy kaya naman ay binulsa ko na ang phone ko.

"Memessage ko na rin si dad.. sige, ingat kayo diyan, mom! I love you!" huling sinabi ni Ravi tsaka binaba ang tawag.

Napangiti naman ako. Ang sweet niya sa mommy niya.

Saktong pag labas namin sa Airport ay nag lakad paatras sa harapan namin si Ravi at tinaas ang dalawang kamay na animo'y winewelcome kami.

"Welcome to Tokyo, Japan! Welcome to my country!" bati niya sa amin at binigyan kami ng isang malawak na ngiti.

We smiled at him. Halatang masaya siya na nakabalik na ulit siya rito sa bansa niya.

Nilibot ko naman ang paningin ko pag labas namin ng exit at nakita ko ang maraming tao na nag aabang din ata sa mga kamag-anak o kakilala nila. Bakas sa mga itsura nila na excited silang makita na ang hinhintay nila. Napangiti naman ako, I can't believe that I'm finally here. It's my dream country.

"Nihon e youkoso." Sabi noong isang babae sa amin at nakita ko si Ravi na nag bow.

Nag smile nalang din kami at nag bow kahit na hindi namin naintindihan ang sinabi niya.

"Anong sinabi noong babae?" tanong naman ni Chloe kay Ravi nang malagpasan namin ang babae.

"Sabi niya ay Welcome." Nakangiting sagot ni Ravi.

Napatango naman kami sa sinabi ni Ravi at pagkatapos ay nilingon ko sa likuran ko para tingnan ulit ang babaeng bumati sa amin kanina. Nakita kong binabati niya rin ang ibang kagaya namin na pasahero.

Lumabas na kami at agad na sumakay sa Shuttle bus papunta sa location na binigay ng committee ng exhibit contest. Libre kasi  ang pamasahe basta ipakita ko lang ang card. Exclusive lang ang card para sa pampublikong sasakyan. Buti nalang at pati ang hotel na tutuluyan namin ay libre. Ganoon din sa kakainin naming pagkain sa hotel ay libre, basta ay ipakita ko sa kanila ang card na binigay sa akin noong nag bigay sa akin ng prize.

Tinignan ko ang location na nakalagay at nakitang sa Mystays Hotel Narita ang location ng hotel na tutuluyan namin.

Nang makaupo na si Chloe ay agad ng tumabi sa kanya si Ayani pagkatapos ay ngumisi sa amin.

Forelsket BehindWhere stories live. Discover now