Chapter 19

8 1 0
                                    

Chapter 19

Odi's POV

Maaga akong gumising ngayong araw dahil nag jogging pa ako. Madalas na akong mag jogging ngayon simula nung inumpisahan namin ni Ravi. Minsan ay ako lang ang mag-isa at minsan naman ay kasama ko si Ravi. Kapag walang pasok lang naman kami nag gaganito at minsan naman ay kapag hindi maaga ang pasok namin.

May nakikita na nga akong development dahil noon ay mabilis lang akong hingalin kapag tumatakbo pero ngayon ay hindi na masyado. I'm happy sa development na napapansin ko.

Makalipas ang halos 30 minutes na pag jojogging at mukhang nalibot ko na ata ang buong village namin ay nag lakad nalang ako habang pinupunasan ang pawis at umiinom ng tubig. Hindi ko nga namalayan na halos 30 minutes na pala akong tumatakbo, masyado ata akong nalibang sa pakikinig ng music kaya hindi ko na napansin ang oras.

"Odi!" narinig ko bigla ang boses ni Ravi na tinatawag ako.

Huminto ako sa pag lalakad at napalingon sa kanya. Nasa labas siya ng bahay nila at naka pang bahay lang. Wala ba siyang pasok ngayon? Ako kasi ay mamaya pang alas onse ang pasok ko kaya naman ay may time pa ako para mag jogging.

Lumapit siya sa akin at nag tataka ko naman siyang tinignan.

"Ba't 'di mo ako sinama?" tanong niya sa akin at bumusangot.

"Mag jogging ka mag-isa, pwede naman tsaka 'di ko rin alam yung schedule mo. Malay ko ba." Sagot ko naman sa kanya. "Wala ka bang pasok?"

"Mayroon kaso ay mamaya pang alas diyes. Ikaw ba?" balik niyang tanong sa akin.

Bahagya akong tumango. "Mayroon din kaso mamaya pang alas onse."

"Mahaba pa pala oras e. Marunong ka bang mag basketball?" bigla niyang tanong na ikinataka ko.

"Hindi masyado, bakit? Ano na namang trip mo?" tanong ko at umismid.

"Tara basketball tayo! Tuturuan naman kita e." aya niya sa akin. Sabi ko na nga ba e.

Saglit naman akong nag-isip. "Huwag na. 'Wag ka na ring mag laro, baka 'di pa magaling yung sugat mo."

Bahagya ko pang sinilip ang tagiliran niya kung saan siya nadaplisan ng kutsilyo.

"Daplis lang naman 'to e! Okay lang ako! Tara na, laro na tayo." Para siyang bata na nag pupumilit sa akin.

"Kumusta na muna yung sugat mo?" paninigurado ko pa.

He snorted. "Okay nga lang! Dali na!"

Wala na akong nagawa kundi ang pumayag. Okay lang din naman sa akin, gusto ko ring matutong mag basketball. Nakapag laro na rin naman ako nito noong high school ako, napag aralan namin sa PE.

Bumalik na muna sa loob ng bahay nila si Ravi at pag balik niya ay may dala-dala na siyang bola. Nakangiti na siya ngayon habang nag lalakad kaming dalawa papunta sa court ng village. Pag karating doon ay walang katao-tao kaya laking pasasalamat ko. Nakakahiya rin kasi kung may makakapanood, hindi pa naman ako masyadong marunong at baka ay matawa pa sila sa akin. Sana nga ay hindi ako pagtawanan ni Ravi.

Nag warm up na muna kami bago pumwesto sa free throw line para mag shoot. Nag shoot na muna siya roon at pumasok agad. Kumindat pa siya para mag yabang sa akin.

"Oh, ikaw naman. Shoot mo yung bola." Pinasa niya sa akin ang kanyang bola at nasalo ko naman iyon. Drinibble ko na muna ito bago ko sana ishoshoot kaso ay pinigilan niya ako.

"Teka! Teka! Mali ka naman ng posisyon e. Hindi dapat ganyan, ganito oh." Kinuha niya sa akin ang bola at pinakita sa akin ang tamang way ng position pag mag shoshoot.

Forelsket BehindWhere stories live. Discover now