Chapter 26

6 1 0
                                    

Chapter 26

Ravi's POV

Nag lalakad na ako pabalik sa room namin dahil kakagaling ko lang sa baba. Saktong pag bukas ko naman ng pinto ng room namin ay nasa pintuan si Odi. Naka t-shirt lang siya at short at naka messy bun ang buhok niya.

"Saan ka galing?" takang tanong niya sa akin.

"Nag swimming lang ako sa baba." Sagot ko naman sa kanya. "Kakagising mo lang ba?"

Umiling naman si Odi "Kanina pa. Bakit?"

"Mag bihis ka, may pupuntahan tayo. Bilisan mo at aantayin kita sa baba." Utos ko naman sa kanya at agad siyang nag taka.

"Huh? Saan? Teka, tulog pa sila Ayani. Gisingin ko ba?" tanong niya sa akin.

I shook my head. "Huwag na. Basta bilisin mo nalang, mag-iwan ka nalang ng note sa kanila na may pupuntahan lang tayo at saglit lang."

"Oh.. okay." Sagot nalang niya habang dahan-dahang tumango.

"Bilisan mo." Sambit ko pa bago bumaba na.

Hinintay ko lang siya roon sa baba ng hotel at ilang saglit lang ay nakita ko na siyang lumabas sa elevator.

"Tara n—" hindi na niya natapos ang sinasabi ng hinila ko na siya bigla.

Odi's POV

Nagulat ako ng bigla akong hilahin ni Ravi. Wala na akong nagawa kundi ang mag patangay nalang sa kanya. Pumara siya ng taxi at pumasok na kami roon.

"Saan ba talaga tayo pupunta? Ba't 'di kasama sila Chloe?" nag tataka kong tanong sa kanya.

Nakakagulat nalang kasi na bigla bigla nalang niyang sasabihin sa akin na mag bihis na dahil may pupuntahan kami ng hindi man lang alam nila Ayani at Chloe.

"Basta. Malalaman mo rin. Huwag ka nalang masyadong mag tanong." Sagot niya sa akin.

"Okay." Tugon ko at hindi nalang nag tanong pa.

Maya-maya pa ay nakarating na kami sa pupuntahan namin at takang-taka ako kung saan ba talaga 'to.

Pag baba namin ay nagulat ako ng hawakan ako ni Ravi sa pulsuhan. Napababa ang tingin ko roon ngunit hinayaan nalang din siya. Nag lakad kami sa kalsada at ewan ko ba kung saan ako balak dalhin ni Ravi.

"Nandito tayo ngayon sa Shinjuku." Aniya at ngumiti sa akin.

Kumunot naman ang noo ko. "Mamamasyal naman pala tayo tapos hindi man lang natin sila sinama. Baka mamaya ay mag tampo pa sila."

Natawa naman siya sa sinabi ko. "Huwag mo ng alalahanin. Saglit lang naman tayo e."

Habang nag lalakad kami ay hawak-hawak niya pa rin ang pala pulsuhan ko. Nag tataka nga ako kung bakit hindi niya pa rin binibitawan. Para tuloy akong bata na binabantayan ng tatay para hindi mawala o mahiwalay.

"Nasaan yung phone mo?" bigla niyang tanong sa akin.

"Bakit? Para saan?" tanong ko rin naman.

Ngumiti naman siya sa akin. "Mag te-take tayo ng selfie! Para nga ay may souvenir e."

Hindi nalang ako sumagot at binigay nalang sa kanya ang phone ko. Wala ba siyang dalang phone at ang phone ko ang gusto niyang gamitin?

Pinuwesto ni Ravi ang kamay niya habang hawak-hawak ang phone sa gitna namin.

"Lapit ka para mag kasya tayo sa screen." Utos niya sa akin.

Lumapit naman ako.

"Lapit pa ng kaunti, medyo 'di ka pa kita e." utos na naman niya.

Forelsket BehindWhere stories live. Discover now