*****
Kahit nasa tapat na ng kanyang apartment, atubili pa rin si Miisha na bumaba sa kotse ni Jacob. Inaalala niya na baka nangangailangan ito ng kausap o mahihingahan ng sama ng loob. Bagamat wala siyang maaninag na lungkot sa mukha ng lalaki subalit malakas ang hinala niyang nagpapanggap lang ito. Hindi madaling tanggapin na sabihin sayo ng taong minahal mo ng mahabang panahon na ayaw niya na at wala na siyang pagmamahal sayo.
"Jacob sigurado ka bang okay ka lang talaga?" usisa niya.
Tumango ang lalaki at ngumiti ng tipid.
"Baka gusto mo ng makakausap. Andito lang ako, pakikinggan kita," alok niya.
"I told you I'm okay."
"Baka sinasabi mo lang yan pero ang totoo hindi," pilit niya.
Jacob slightly moved his body to face her. Tiningnan siya nito nang may pilyong ngiti. "Let's say malungkot ako, anong gagawin mo?"
"A-Ano..." napalunok siya. Ano nga ba? "Pa-pasasayahin kita."
"Paano mo ako pasasayahin?"
Napalunok ulit siya at umiwas sa titig ng kausap. "A-Ano...k-kuwan..."biglang nagliwanag ang kanyang mga mata. "Mag-inuman tayo! Tama! Magandang pang-release yan ng sama ng loob!"
Naglaho ang mga ngiti ni Jacob at agad na nagsalubong ang mga kilay nito.
Asiwang ngumiti si Miisha nang makitang hindi natuwa ang kausap sa sinabi niya. "J-Joke lang... ikaw kasi hindi mo man lang sinasabing may pinagdadaanan ka rin pala sana kahit papaano ay natulungan din kita sa problema mo...H-Hindi yung laging ikaw na lang ang tumutulong sa akin. Di ba pag magkaibigan dapat give and take? Sa ating dalawa parang ako na lang yung take ng take."
"Next time-" tipid na sagot ng lalaki.
"Anong next time?"
"Next time... bibigyan kita ng chance para makabawi," may ngiting sabi nito.
After how many attempts to console him, tumanggi pa ring magsalita ang lalaki tungkol sa naging problema nila ni Laarni. Napilitan nang bumaba ng sasakyan si Miisha.
Pagdating sa apartment, wala siyang kagana-ganang magpinta. Sa halip ay pabiling-biling na namalagi lang siya sa kama. Ayaw naman siyang dalawin ng antok. Walang laman ang isip niya kundi si Jacob at ang natuklasang paghihiwalay nito ng girlfriend. Why did he hid it?
She recalled every moments na nagkasama sila ni Jacob kung kelan wala na pala itong relasyon kay Laarni. Yung walang pag-aalinlangan at malapitang pagdikit nito sa kanya everytime they walked around the campus. Why did he imply that it was a way to divert the attention from his relationship with his girlfriend kung wala na naman pala sila nito?
BINABASA MO ANG
She's A Bad Girl
RomanceMiisha is a girl who's not afraid to take various paths. While Jacob is a guy who only takes a straight path. In one crossroad of their life, they bumped into each other's arms. Their differences turned them into enemies. Time turned them into frien...