*****
Maya't mayang nililingon ni Jacob si Miisha na noo'y hirap na hirap sa pag-akyat ng bundok. Pinakulelat ito sa kanila. Kanina pa niya ito gustong alalayan at tulungan subalit hindi niya magawa sapagkat inaalalayan niya rin si Laarni.
Bakit kasi ang dami nitong dala-dala? Bukod sa dambuhalang backpack, may mga bitbit pa itong sangkaterbang gamit pang paintings. Ayaw namang magpatulong sapagkat nag-aalalang baka may masirang gamit.
Maya't maya na itong inaalok ng tulong ni Kyle ngunit maya't maya rin itong tumatanggi.Tagaktak na ang pawis nito at halos kapusin na rin sa paghinga. Nakakailang hinto na sila para magpahinga but this time they can't afford to have one anymore. Kakapusin na sila sa oras at baka abutan sila ng dilim sa daan bago pa man nila marating ang kanilang destinasyon.
Magcacamping silang apat sa lugar na sinuggest ni Miisha. And in order to reach that place, they have to cross two mountains. Ito pala ay isang patag na napapalibutan ng mataas na mga bulubundukin. Isang bundok pa lamang ang natatawid nila. Alas tres na ng hapon at ayon sa kasama nilang guide ay aabutin pa sila ng mga isang oras bago makarating sa pupuntahan.
They have to reach it before sunset or else mahihirapan sila sa pag-aassemble ng tents. Pero di nila mabilis-bilisan ang paglalakad dahil nga kay Miisha.
"AAAAAYYYYY!"
Biglang napalingon si Jacob sa kanyang likuran matapos marinig ang tili ni Miisha. Muntik nang mapasubsob ang babae buti na lamang ay nasalo ito ni Kyle. Di sinasadyang napayakap dito ang kaibigan. But instead of minding him touching her, mas inalala pa ng babae ang mga bitbit nitong gamit.
That's it. He can't take it anymore. Di niya na kayang magtimpi sa katigasan ng ulo nito.
"Sandali lang Laarni ha," paalam niya sa girlfriend.
Binalikan niya ang dalawang nahuhuling kasama.
"Kyle hold her other other arms," utos niya sabay hinawakan niya rin ang isang kamay ni Miisha at sapilitang inalis sa babae ang backpack nito.
"Jacob ano ba?! Huwag mong pakialaman yan!" tutol nito.
"Kanina pa tayo natatagalan dahil sa pagmamatigas mo," medyo inis na sabi niya.
Pinagtulungan nila ni Kyle na tanggalin dito ang backpack. At nang buhatin niya ito'y nagulat siya sa bigat ng bag.
"Ingatan mo yan!" paalala ni Miisha na halata namang nakahinga ng maluwag matapos mawala dito ang mabigat na bag.
"It's very heavy! Kaya naman pala ang bagal mong maglakad. Ano bang mga laman nito? Pakwan?" reklamo niya.
"Huh? Paano mo nalaman?" kaswal na sambit ni Miisha.
BINABASA MO ANG
She's A Bad Girl
RomanceMiisha is a girl who's not afraid to take various paths. While Jacob is a guy who only takes a straight path. In one crossroad of their life, they bumped into each other's arms. Their differences turned them into enemies. Time turned them into frien...