****
Naglilinis si Miisha kasama sina Claribel at Jesusa sa silid kung saan katatapos lamang ng fellowship meeting na pinangunahan ng White Lambs. Medyo sinisipon siya kaya maya't maya siyang nagpupunas ng tissue sa ilong. Lalo pa atang lumala sapagkat nakakalanghap siya ng mga alikabok.
Napansin ni Miisha na medyo matamlay ang dalawang kasama at parehas itong walang gaanong imik. Nagtaka siya. Kanina lamang bago magsimula ang gathering ay masisigla pa ang mga ito.
"May problema ba kayo?" sisinghot-singhot na tanong niya habang nag-aayos ng mga silya.
Umiling si Claribel nang hindi tumitingin sa kanya.
"Eh ba't ang tamlay niyo?"
Humarap si Jesusa nang may mamasa-masang mga mata. "Eh kasi dahil dun sa shinare mo kanina tungkol sa kaibigan mo. Nakakaiyak, kawawa naman siya. Pero baki't parang sinisisi mo ang sarili mo sa nangyari sa kanya?"
Natigilan si Miisha. Di niya iniexpect na maapektuhan ang mga kasama sa testimonya niya. Wala siyang maisip na experience kaya napilitan siyang ikuwento na lamang ang nangyari kay Kathleen. Wala siyang balak seryosohin ang sharing kaya lang habang nagsasalita, unti-unti rin siyang nadala sa sariling kuwento. And to her surprise, she felt great pagkatapos magsalita sa harap ng marami. She didn't expect that the thing she used to consider corny would give her a sigh of relief.
"Ako naman talaga ang may kasalanan kung bakit siya naaksidente," bulong niya sa sarili.
Humarap si Claribel. "Totoo bang dahil sa kanya kaya pinagbubutihan mo na ngayon ang pag-aaral mo?"
"Ah...oo parang ganun na nga," sagot ni Miisha nang may naasiwang ngiti.
"Kaya ba nagsisipag ka at pursigido kang makapasok dito sa White Lambs dahil din sa kanya?"
"O-Oo." Nag-aalangang tumango siya.
Nagulat siya nang biglang lumapit sa kanya ang dalawa at niyakap siya ng mga ito.
"Hindi pala kami nagkamali ng pakikipagkaibigan sayo. We didn't expect that you can be such a good friend,' ani Claribel habang nakasubsob sa balikat niya.
"Siguro pag may nangyari din sa aming hindi maganda, you're willing to sacrifice for us too..." mangiyak-ngiyak na sabi naman ni Jesusa.
Naasiwa si Miisha sa pagdadrama ng dalawa. "Ano ba kayo? Kanina pa tapos yang sharing-sharing na yan ah. Di pa ba kayo maka-move on? Tumigil na nga kayo tumatayo balahibo ko sa inyo!" nagtatapang-tapangang sabi niya sa kabila ng katotohanang naaantig siya sa ginagawa ng mga ito.
"Ayan ka na naman. Nagmamatigas ka na naman kunwari pero deep inside, natatouch ka rin naman," komento ni Claribel.
BINABASA MO ANG
She's A Bad Girl
RomanceMiisha is a girl who's not afraid to take various paths. While Jacob is a guy who only takes a straight path. In one crossroad of their life, they bumped into each other's arms. Their differences turned them into enemies. Time turned them into frien...