Galing palengke si Miisha. Ilang minuto na siyang nakakabalik saka niya napansing tila wala siyang kasama sa bahay. Tumigil siya sa pag-aayos ng mga pinamalengke at hinanap si Jacob. Wala ito sa kuwarto. Wala rin sa bakuran. Maging sa likurang bahay at banyo. Natagalan kasi siya dahil naaliw siya sa katitingin ng mga drawing supplies nang mapadaan siya sa isang maliit na bookstore.
"Jacob!...Jacob!"
Hindi kaya nagutom na ito at kumain sa labas? O baka naman sinundan siya sa palengke.
"Jac-"
Natigilan siya nang buksan ang maliit na mala-bodegang silid. Napanganga siya hanggang sa dahan-dahang napangiti. Malinis na malinis na ito. May drawing board sa isang sulok kung saan nakapatong ang sketch pad katabi ang isang pen holder na may nakalagay na iba't ibang uri ng drawing pencils. May isang blangkong canvass na nasa stand sa bandang gitna. Sa baba nito ay mga watercolors, oil pastels at paintbrushes. Mas higit na nakapukaw sa puso niya ang mga masasayang larawan ng kanilang pamamasyal na nakadikit sa dingding. It was posted beautifully and creatively.Medyo nangilid ang kanyang mga luha sa pagkaantig.
Napapangiti siya habang tinitingnan isa-isa ang mga larawan. Hilig pa rin talaga ni Jacob ang manurpresa. How did he manage fixing the room secretly?
"'Liked it?"
Napaiktad siya nang mamalayang nasa likod niya na pala si Jacob.
"Ikaw talaga ang hilig mong manggulat!" Nakangiting pinalo niya ito sa braso. "Thank you! I like it! Ang ganda ng pagkakaayos mo sa room. Kelan ka pa namili nitong mga gamit? Bakit di mo man lang nabanggit sa akin?"
"Kaya nga surprise eh," he kidded.
Napansin ni Miisha na bihis na bihis ang kausap. "May lakad ka ba?" kunot noong tanong niya.
"W-Well actually galing na ako dun... Nakipagkita ako kay Nestor."
Naningkit ang mga mata niya at nagdududang tiningnan ang kausap. "Ako ha, nakakaamoy na akong may tinatago ka na namang sekreto. Lagi ka na lang nakikipagkita diyan kay Nestor tapos wala ka namang kinukuwento sa akin." Kunway humalukipkip siya. "Meron ba akong dapat malaman o surpresa na naman yan?"
"Ah...actually meron akong gustong sabihin sayo." Kumamot sa ulo si Jacob. Pagkuway hinila si Miisha patungong sopa. May lambing na hinawakan niya muna ang palad ng babae.
"Sweet ka ha, parang may kasalanan ka," duda ni Miisha.
"Actually kaya kami madalas magkita ni Nestor dahil meron sana akong gustong pasuking trabaho."
"Trabaho?! Bakit ka naman magtatrabaho?!" piglas agad ng dalaga.
"Listen to me first... Hindi naman ito mabigat na trabaho. Nestor's mom has a tutorial center at marami silang mga estudyante ngayon na nangangailangan ng home service tutors eh. I can handle elementary and few high school students..." His grip to her hand became tighter. "As much as possible ayokong iwanan kang mag-isa dito sa bahay but to be honest, I'm running out of money... Kaya bago pa man tayo mawalan ng pera, kailangan ko nang maghanap ng mapagkakakitaan."
Ngumiwi si Miisha, indicating her disagreement. "Di ba sabi ko sayo meron pa naman akong pera diyan. Yung binigay sa akin ni Wendy."
"That's your money. Wendy gave it to you for your personal needs. Iba yung sa ating dalawa at responsibilidad ko yun. Also, even if we use that, mauubos at mauubos pa rin yan at kailangan ko pa ring kumita."
"Kasi naman bumili-bili ka pa nung mga pang-paintings na yan! Okay lang naman ako kahit wala ang mga yan eh!|"
Jacob smiled and caressed the cheek of his sulking girlfriend. "Don't lie. Painting is part of your daily life. Parang oxygen mo yan eh... Dadating at dadating ang oras na hahanapin mo yan. Ayokong isakripisyo mo yan nang dahil sa akin. You can have both, okay?"
BINABASA MO ANG
She's A Bad Girl
RomanceMiisha is a girl who's not afraid to take various paths. While Jacob is a guy who only takes a straight path. In one crossroad of their life, they bumped into each other's arms. Their differences turned them into enemies. Time turned them into frien...