Chapter 38

68.7K 2.1K 287
                                    



*****


Nag-iisip ng pwedeng magawa si Miisha. Hindi niya maatim na tumira kina Jacob nang umaarteng tila sarili niya itong pamamahay. Kahit papaano ay dapat niyang pagtrabahuan ang pagtira dito.


Abala ang mga katulong sa kusina. Medyo asiwa pa siyang lumapit sa mga ito. Nahihiya siya sapagkat madalas niyang nahuhuling nagbubulungan ang mga ito habang nakatingin sa kanya. Ilang beses na siyang nagtanong kung may pwede siyang maitulong subalit laging tumatanggi ang mga ito sa alok niya.


"Kabilin-bilinan ni Congressman na asikasuhin ka daw namin ng mabuti," ang laging sagot ng mga ito sa kanya.


He decided not to approach the maids. Naglakad-lakad na lamang siya sa sala. No one was there. The house is too quiet unlike their house in Laguna in which Wendy is always all over the place. Ilang oras niya na ring hindi nakikita si Jacob. Maybe he has weekend officer meetings at White Lambs.


She's bored. She wanted to go out and stroll pero baka magkaroon siya ng bad impression sa parents ni Jacob. Di rin siya makapagpinta. Natatakot siyang baka mamantsahan niya ang napakalinis na kuwartong tinutuluyan niya. Palagay na siyang pansamantala niyang isasakripisyo ang pagpipinta habang hindi pa sila nagkakaayos ng kanyang Daddy. Hindi niya rin mabisita si Kathleen. She received a short message from Wendy na nakauwi na daw ang kaibigan ng Laguna.


Panaka-nakang kinukumusta siya ng madrasta pero hindi niya ito nirereplayan. Batid niyang anumang oras ay maaring nasa kamay ng kanyang ama ang cellphone nito. Binalita rin nito sa kanya na nakaalis na ulit ng Pilipinas ang kanyang ina. But her departure doesn't make her feel easy, naniniwala siyang meron pa ring nakaambang na plano para sa kanya ang mga magulang.



She sighed and stopped thinking things that could bring her bad feelings. She decided to spend her boredom watching all the frames hanging in the living room. She studied the paintings and what Jacob said about his mother's hobby is true. She has indeed a good taste. Dinadaanan niya ng daliri ang ilan sa mga frames. Checking if they were dusty and maybe she could clean them. Pero lahat ay makikintab at walang kadumi-dumi.


Natigilan siya nang mapatapat sa family portrait. She stared at them intently unaware of what to feel about it. Napaisip ulit siya tungkol sa sarili. Wala siyang maalalang anumang larawan na may kuha siya kasama ang sinuman sa mga magulang niya, the simplest perk of having one normal family.


Nakuha ang pansin niya ng di pa nakikitang kapatid na babae ni Jacob. She looks exactly like the mother and with few resemblance with her brother. Hindi ito tsinita kaya hindi agad masyadong pansin ang pagkakahawig nilang magkapatid. Pero para rin itong si Jacob. She looks so kind, poised, refined and very feminine. Sa repleksiyon pa lamang ng mga mata ay tila hindi na makabasag pinggan. Walang dudang napalaki ng maayos ng mga magulang ang kanilang mga anak.


"Miisha!"


Napalingon agad siya nang marinig ang boses ni Jacob. She smiled widely. The sight of him instantly lifted her spirit.

She's A Bad GirlTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon