*****
Miisha put the roses on her lap and make sure they won't get ruined. Maya't maya niya itong tinititigan habang napapangiti. Everytime she looks at the flowers, the scene of Jacob's confession keeps coming back. Bumabalik rin pati kilig.
"Shouldn't you at least hide your smile? Sige ka baka mag-isip ako na mahal mo na rin ako," biglang tukso sa kanya ni Jacob.
She blushed. "Hindi ah!" Kunway napakamot siya sa batok. "..A-Ano kasi..ano..G-Ganito pala yung pakiramdam nang nabibigyan ng flower confession. Masaya na nakaka-flattered," katwiran niya. "Ganito rin ba ang nararamdaman mo sa tuwing nakakatanggap ka ng mga bulaklak mula sa mga admirers mo?"
"Hmmm... I'm not exactly sure kung parehas ba ng nararamdaman mo ngayon. But as far as I know kapag natuwa ang taong pinagbigyan ibig sabihi'y gusto niya ang taong nagbigay," ngingiti-ngiting opinyon ng lalaki.
Kunwari ay salubong ang mga kilay na tumingin si Miisha sa kausap. "Bakit ba kanina mo pa pinagpipilitan yan? Akala ko ba willing kang maghintay?!"
Tumawa ng mahina si Jacob. "Sinusubukan ko lang baka sakaling maka-shortcut."
Umirap si Miisha sabay paling sa kanan. Tumingin siya sa labas ng bintana ng kotse habang palihim na napapakagat sa mga labi. Ganito ba ang pakiramdam ng gusto ka rin ng taong gusto mo? Daig mo pa niya ang ice drop na maya't mayang natutunaw sa kakiligan. Ang hirap itago ng saya at magkunwaring matigas.
Natigilan siya't napakunot ng noo nang mapansing may tinatahak na ibang ruta ang lalaki. "M-May pupuntahan pa ba tayo Jacob?"
"Tita Wendy asked me a favor to bring you somewhere," biglang pagseseryoso ng binata.
Biglang kinutuban si Miisha. "Don't tell me you're bringing me to the airport?"
Sa halip na sagutin siya, he looked at his watch. "We still have thirty minutes before the plane's arrival."
Umiling siya't isiniksik ang sarili sa gitna ng bintana at upuan. "No. I don't want to go. Stop the car. Please stop the car Jacob!"
"We're in the middle of the main highway. Bawal huminto ng basta-basta."
"Then take a U-Turn!"
Itinuloy ni Jacob ang pagmamaneho. "You decide when we get there. Meron ka namang choice pagdating dun kung makikipagkita ka ba o hindi ang importante ay nandoon ka na."
Sumang-ayon si Miisha sa punto ng lalaki kaya't nanahimik siya. Subalit ang sayang kanina'y namamahay sa kanyang dibdib ay unti-unting napalitan ng kaba at takot. Pagdating ng airport ay nanatili siya sa sasakyan habang nag-iisip kung bababa ba at sasalubungin ang inang napakatagal na panahon niya nang hindi nakikita.
"The plane just arrived. Hindi ka pa ba nakakapagdesisyon?" tanong ni Jacob.
"I'm not going to see her. I'm decided," nakahalukipkip na sabi niya.
He unbackled his seatbelt and faced her. "Pero iba ang sinasabi ng mga mata mo."
Nagsalubong ang kanyang mga kilay. "Sino ba naman kasi ang nagsabi sayong dalhin mo ako rito? You're starting to have a bad habit of pushing me to do things that I don't like. Okay lang kung tungkol ito sa pag-aaral, sa White Lambs o sa mga kaibigan ko but this is about my family... and this has nothing to do with anyone except myself!"
Pansamantalang nanahimik si Jacob. He looked away and took a deep sigh. Biglang nakonsensiya si Miisha sa sinabi nang makitang tila nasaktan ang kasama.
BINABASA MO ANG
She's A Bad Girl
RomanceMiisha is a girl who's not afraid to take various paths. While Jacob is a guy who only takes a straight path. In one crossroad of their life, they bumped into each other's arms. Their differences turned them into enemies. Time turned them into frien...