Chapter 16

82.3K 2K 327
                                    

   

                       ****

"Hi Miisha!"

Napalingon si Miisha sa tumawag sa kanya habang papalabas siya ng classroom.

"Laarni? Anong ginagawa mo dito?"

Lumapit siya sa babae.

"I'm waiting for you," malumanay na sagot nito. "It's your breaktime, right?"

"Oo."

"Would you mind if we stroll the school together?" maamong tanong nito.

Nakutuban niya na ang totoong pakay nito. Kagaya ni Jacob, tiyak na kakausapin rin siya ng babae tungkol sa nalaman niya.

"Sure," nakangiting sabi niya.

They started walking. Huminto si Laarni sa tapat ng isang vending machine at naghulog ng barya. Kumuha ito ng dalawang juice at ibinigay sa kanya ang isa.

"Thanks," tugon niya habang tinatanggap ang inumin.

"I'm sorry for lying Miisha," maamong umpisa nito habang naglalakad. "I hope Jacob explained to you well kung bakit kailangan naming itago ang relasyon namin."

"Naku Laarni okay lang sa akin yun! Naiintindihan ko ang sitwasyon niyo at para sa akin wala kang dapat ihingi ng sorry. Personal na buhay niyo yan therefore you have the choice whether to reveal it publicly or to keep it remain private," nakangiting sagot niya.

"Thank you," nahihiyang sambit ni Laarni.

Miisha gave the lady a smile sabay inom niya sa juice. Bigla siyang nakaramdam ng panunuyo ng lalamunan. Panaka-naka pa ring may sumusulpot ang maliliit na kurot sa dibdib.

Kulang pa ata ang mga narinig niya mula kay Jacob as pain reliever. Maybe she needs to hear and see more more para tuluyan na siyang ma-immune. Kaunting laklak pa ng reyalidad, mauubos na rin ang mga namamahay na karayom sa kanyang dibdib.

Dahil sa totoong pagmamalasakit na ipinaramdam sa kanya ni Jacob, nasabi niya sa sariling susuportahan niya ito sa lahat ng bagay kasama na ang relasyon nito kay Laarni. Pahahalagahan niya rin ang mga taong mahahalaga dito. Ito na lang siguro ang pwede niyang maiganti sa mga tulong na ibinibigay at ibibigay nito sa kanya.

"Laarni I hope you won't mind me asking this. Hindi ka ba nahihirapan na pinipigilan mo ang sarili mo sa paglapit kay Jacob most of the time? Di ba parang ang hirap nun? Gusto mo siyang hawakan, lambingin, kausapin, asikasuhin pero di mo magawa," takang sambit niya.

Ngumiti ng matamlay si Laarni at bumuntong-hininga. "Mahirap pero I don't want to be selfish. Ayoko namang mabahiran ng maling impression ang White Lambs just because of our relationship. Saka isang taon na lang naman ang itatagal ng pagsesekreto ng aming relasyon. After Jacob graduated we're free to reveal our real status. Konting tiis na lang," malungkot na sabi nito.

Nakaramdam siya ng kaunting awa sa kausap. Naiintindihan niya ito. Siya nga na nagkacrush lang hirap na hirap ng itago ang kakiligan. Si Laarni pa kaya na totoong nagmamahal?

"Ano yung bonding time niyo? Halos lahat ng oras niyo ay ginugugol niyo dito sa campus. I guess you can't date so freely too in the malls baka may makakita sa inyong tagarito. Yan ata ang disadvatage pagkilala sa buong school ang boyfriend mo."

"Usually we do outdoors adventures during weekends. Beach, hiking, biking, mountain climbing. Jacob loves adventures," sabay biglang namilog ang mga mata ni Laarni. "Hey about joining us sometimes?"

"Okay lang ba yun? Minsan na nga lang kayong magkasamang dalawa tapos sasama pa ako," asiwang ika niya.

"I guess you misunderstood me. When we go outdoors, hindi naman talaga kaming dalawa lang. We have other companions. We were with friends who know about our relationship. Minsan sumasama din sa amin si Kyle," masiglang paliwanag nito.

She's A Bad GirlTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon