Chapter 30

81.7K 2.1K 184
                                    

                                                   

                                                       ****

"Mukhang ikaw lang ata ang matitirang karamay ko...," ngingisi-ngisi sambit ni Miisha nang may namumungay na mga mata habang nakikipagtitigan sa bote ng beer. "Sana bawat kaibigan ay kagaya mo, madaling hanapin at masarap kasama pag may problema. Nakikinig lang at pagkatapos maibuhos lahat ng sama loob,patutulugin ka na," tumawa siya at pagkuway iginala ang mga paningin sa paligid.

Mag-isa lamang siya sa loob ng isang karaoke room. Ang lugar kung saan sila huling nagkasama ni Kathleen. Binabalikan niya ang mga naging alaala nila doon. Ang sapilitang pagpapadate sa kanya ng kaibigan sa pangit ngunit saksakan sa yabang na lalaki para lamang makasama ang crush nito. Ang mga naniningkit na tingin nito sa kanya na alam niya namang lambing lamang para pagtiyagaan niyang pakisamahan ang mayabang na lalaki. Tumawa siya kasabay ng pagsilip ng kanyang mga luha.

Ang mga naniningkit na tingin. Ang madalas na pandidilat sa kanya kapag pinagsasabihan siya nito sa katigasan ng kanyang ulo. Ang nakangiti nitong mga mata sa tuwing ginaganahan silang pagtawanan ang wala namang katuturang mga jokes....Lahat ng ito ay hindi na mangyayari. Kahleen can never use her eyes again to express her emotions.

Pinahid niya ng kamay ang namumuong mga luha. Suminghot siya at uminom sa kaninang tinititigang bote. Nahinto ang pagbabalik-tanaw niya nang mag-ring ang kanyang cellphone na nakapatong sa mesa.

It's Jacob. Pinag-isipan niya ng matagal kung sasagutin ba ang tawag hanggang sa tumigil na lamang ito sa pagtunog. Kinuha niya ang remote para palakasan pa ang karaoke na kanina pa tumutugtog ngunit wala namang kumakanta. Subalit bago ito magawa'y muling nag-ring ang kanyang telepono. Hindi na tumigil sa pagtawag ang lalaki hanggang sa hindi niya na matiis na huwag itong sagutin.

"Where are you?!" mataas agad ang tonong bungad nito.

Hindi siya sumagot. She doesn't want to tell him. From now onwards, she is really decided not to involve Jacob into her life anymore. Habang hindi pa masyadong malalim ang pinagsamahan nila, iiwas na siya. Ayaw niya nang magdagdag ng mga taong mamahalin na sa bandang dulo'y mawawala rin sa kanya.

"I'm asking you! Where are you?!"

"In the place I hate most," matamlay na sagot niya sabay baba sa telepono.

Pinatay niya ang cellphone at muling uminom ng alak. Napadighay siya matapos lagukin ang lahat ng laman ng bote sabay tapik sa dibdib. After hearing Jacob's voice, nadagdagan ang lungkot na nararamdaman niya. She seems suffocated. Kaya siya nagpunta sa lugar na ito to think about her bestfriend and forget about Jacob. Naguguluhan na kasi siya. Minsan hindi niya na alam kung ano ba ang mas nagpapahirap sa dibdib niya? Ang nangyayari sa kanila ni Kathleen o ang nakakalitong sitwasyon nila ni Jacob?

Itinuloy niya ang pagpapalakas sa tugtog. She chose happy songs para pansamantalang magkaroon ng buhay ang malungkot na silid. Omorder pa siya ng beer at inaliw ang sarili sa pagbabasa ng lyrics sa TV screen.

Pagkalipas ng mahigit tatlumpung minuto ay napagitla siya nang biglang dumating si Jacob. May kalakasan ang pagkakatulak nito sa pinto. He looks worried but at the same time very angry. Dinampot nito ang remote at pinatay ang malakas na tugtog. Agad itong naupo sa tabi niya.

She's A Bad GirlTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon