Chapter 31

103K 2.2K 216
                                    

                         

                                         

                                                         *****

Tuwang-tuwa sina Jesusa at Claribel sapagkat muli na naman nilang nakasama si Miisha sa lunch break. Subalit sa kabila ng kagalakan ng dalawa'y mistula namang wala sa sarili ang kanilang kasama. Panay sipsip nito sa baso ng softdrinks na tanging yelo na lang naman ang natitira. Maya't maya rin itong napapakunot ng noo, tumitingin sa taas at bumubuntong-hininga ng malalim.

"Sana naman dire-diretso na ang pagpasok mo ngayon. Aba ilang araw ka ring pasulpot-sulpot lang dito sa school ha! Daig mo pa ang mga professor na may sariling oras na sinusunod," nagagalit-galitang komento ni Claribel samantalang hindi rin naman maitago ang kasiglahan sa pamamagitan ng maganang pagkain.

"Oo nga Miisha. Alam mo bang sobrang na-miss ka namin. Nakakatuwa talaga na nakakasama ka na ulit namin. Sana tuloy-tuloy na ito," ani Jesusa habang sobrang bagal at tila hirap na hirap sa pagnguya ng pagkain.

"Hoy girl! Ano ka ba!" biglang hiyaw ni Claribel sa kanina pa natutulalang kausap.

"Huh?" napaiktad si Miisha at agad na ibinaling ang mga paningin sa dalawang kaharap.

"Kanina ka pa diyan lutang. Sabihin mo nga sa amin ang totoo? Siguro napipilitan ka lang talagang makasama kami kasi  parang kami lang ni Jesusa ang natutuwa ngayon!" dagdag pa ng matabang estudyante.

Mabilis na sumagot ng iling si Miisha at ngumiti. "Hindi totoo yan. Siyempre natutuwa rin ako. Na-miss ko rin kaya kayo!" depensa niya.

"Kung ganun bakit parang di ka naman excited tapos kanina ka pa walang imik," nagtatampong tono ni Jesusa.

"Ha- eh sorry guys ha. M-May iniisip lang ako."

"Ano? May problema ka na naman ba? Ibig sabihin ay babalik ka na naman sa pag-aabsent?!" pangunguna ni Claribel.

"Hindi ko naman sinabing problema ang iniisip ko," paliwanag ni Miisha.

"Eh ba't ka nagkakaganyan?" ngiwi ni Claribel sabay subo ng malaki.

Nagririgudon ang puso ni Miisha sa tuwing naiisip ang halik ni Jacob. Gustuhin niya mang balewalain na lamang ito ngunit kusa itong sumusulpot ng paulit-ulit sa kanyang isipan at ayaw nitong patahimikin ang kanyang dibdib. Their lips had touched before but this time the feeling is way beyond unexplainable.  Dahil sa ginawa ng lalaki pareho nang nalilito ang kanyang puso't isipan. Naglapat dati ang mga labi nila for the sake of saving her. Pero sa pagkakataong ito, why did Jacob kissed her so suddenly? Is this how he comforts a friend?

The kiss wasn't deep and only lasted for few seconds. Pero sa maiksing oras na yun ay tumigil ang kanyang mundo. At walang ibang nagaganap maliban sa isang malakas na pagsabog sa loob ng kanyang puso. Good thing Jacob stopped or else she might had completely lost her reasoning. Matagal bago siya natauhan.They were halfway to her house nang saka siya unti-unting nakabawi mula sa pagkagulat. But the worst part of it, he didn't even bother to explain what he did. Ngingiti-ngiti lamang ito na para bang walang nangyari. Normal na normal pa rin ang bawat kilos at pakikipag-usap nito sa kanya habang ipinagmamaneho siya pauwi.

She's A Bad GirlTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon