Chapter 2

100K 2.3K 128
                                    

                                                 

                                                              *****

Nilalaro ni Miisha ang zipper ng kanyang body bag habang naghihintay sa sala ng bahay nina Kathleen. Kinakabahan siya dahil pagkatapos ng aksidente ngayon niya lang makakaharap ang kaibigan. Mahigit isang buwan itong nasa hospital ngunit ni minsan ay hindi niya ito nakita. Pinagbawalan siyang dumalaw dahil sabi ng pamilya nito'y ayaw siyang makita ng kaibigan. Sinisisi siya nito sa nangyaring aksidente. At mas lalong lumalim ang galit nito sa kanya nang malamang aabot ng tatlong taon bago ulit ito makalakad.

Ilang beses niya itong sinubukang bisitahin sa hospital ngunit ni minsan ay hindi siya nakapasok sa kuwarto nito. Sa labas pa lang ay hinaharangan na siya ng mga bantay dahil na rin sa mahigpit na utos ng kaibigan. Kaya naman nang mabalitaang nakauwi na ito ng bahay ay umuwi pa talaga siya ng probinsiya upang dito naman ito subukang kausapin. Sa katunayan ay ipinagpalit niya ang kanyang summer class final exam para dito. Hindi na siya makapaghintay na magpaliwanag at makahingi ng tawad sa kaibigan. 

Lumakas ang kabog ng dibdib niya nang makitang bumababa ng hagdan ang ina ni Kathleen. Napahawak siya ng mahigpit sa bitbit na isang basket ng mga sariwang prutas.

"Kathleen doesn't want to see you," seryosong sabi nito sa kanya.

"Tita Pam, baka pwedeng puntahan ko na lang siya sa kuwarto," pakiusap niya.

"Hindi pwede. She's having her therapy session right now."

"E-Eh di maghihintay na lang ako dito hanggang matapos ang session niya," giit niya.

Humalukipkip ang ina ng kaibigan at unti-unting tumaas ang isang kilay nito. "Miisha huwag mo nang ipagpilitan yang gusto mo. When Kathleen says she doesn't want to see you, that means she won't kahit magmakaawa ka pa," matigas na sabi nito.

Hindi siya umimik. Napapahiya siya but she's trying to be tough. Exam niya ang pinagpalit niya dito tapos mauuwi lang sa wala. She remained seated habang binabalewala ang mataray na mga tingin ng kaharap.

"Hindi mo ba narinig ang sinabi ko? Aren't you going to leave o gusto mong ipakaladkad pa kita papalabas sa mga katulong!" galit na wika nito habang pinandidilatan siya ng mga mata.

Wala siyang nagawa kundi tumayo. "P-Pakibigay na lang nito kay Kathleen," sabay patong niya sa bitbit sa mesa.

Tiningnan ng ginang ang basket ng prutas at pinakuha ito sa katulong. 

"Babalik na lang ako sa ibang araw..." mahinang sambit niya.

"Miisha!" tawag sa kanya ng ginang bago siya makalabas ng bahay.

"Yes Tita?"

"Please stay away from my daughter forever. My instinct was right, sa umpisa pa lang ay alam ko nang mapapahamak lang ang anak ko sa pakikipagkaibigan sayo. I'm glad that she finally realized now how worst you are as a friend kaya huwag na huwag ka na uling makapunta-punta sa pamamahay na ito."

She's A Bad GirlTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon