Chapter 49

61.4K 2K 185
                                    


"Miisha matagal pa ba yan?!" reklamo ni Kathleen. "Tangina naman oh! Dinala mo yata ako dito sa bahay niyo para gutumin eh!

Nginusuan ni Miisha ang kaibigang naiinip na sa kanyang wheelchair habang kinakapa-kapa nito ang dining table. "Uy Kathleen tigilan mo nga yang pagmumura mo nasa harap ka ng pagkain!"

"Gaga! Nakakaaninag na ako. Kahit malabo pa tong mga paningin ko alam kong wala pang mga pagkaing nakahain! Huwag mo akong pinagloloko!"

Umalingawngaw sa buong dining hall ang malakas na tawa ni Miisha.

"Nagagawa mo pang tumawa!" ingus ni Kathleen.

"Natutuwa lang ako na lumilinaw na nga ulit yang mga mata mo. Hayy I can't wait for you to be able to walk too!"

"Huwag kang mag-alala pag balik mo galing sa paglalakwatsa mo sa America, sisiguraduhin kong kaya ko na uling makipaghabulan sayo!..." Nakabusangot na wika nito habang napapakamot sa ulo. "Pero kingina naman oh iniiba mo yung usapan! Ano? Di pa ba tapos yung niluluto mo? Nagwewelga na yung mga bulate ko!"

Kunway nagmadaling tumungo sa kusina si Miisha upang tingnan ang niluluto subalit ang totoo ay kanina pa ito tapos. Binilin niya lang sa mga katulong na ihain ang mga ito kapag dumating na ang kanyang Daddy. Nangako itong uuwi ng maaga para sa dinner.

"Malapit na, sandali na lang. Besides, wala pa naman si Dad," aniya nang binalikan ang kaibigan. "Ikaw naman first night pa nga lang ng marathon dinner program ko ay panay reklamo mo na."

Hiniling niya sa kaibigan at ama na araw-araw silang magdi-dinner sa bahay nang magkakasasama hanggang sa makalipad siya patungong America. She wanted to spend more time with them together with a promise na araw-araw niyang ipagluluto ang mga ito.

"Alam mo nakabuti rin yung pagtatanan niyo kuno ni Jacob, andami mong natutunang gawaing bahay! Pwede ka na nga mag-asawa eh!" Kathleen commented carelessly.

Nagkaroon ng maiksing katahimikan and Kathleen quickly realized her mistake. She could imagine the gloomy face of her friend. "Ops sorry don't say bad words nga pala!" sabay palo niya sa bibig. "Ay bwake ng ina talaga! Gutom na ako!" biglang lakas ng boses na paglihis niya sa paksa.

Medyl lumungkot nga ang mukha ni Miisha pagkabanggit sa pangalan ni Jacob ngunit agad din naman itong nagliwanag nang marinig ang busina ng sasakyan ng ama. "Dad's here!"

Nagmamadaling sinenyasan ni Miisha ang mga katulong at sunud-sunod na ngang lumabas mula kusina ang mga niluto niya.

"Sorry I'm late. Natraffic kami sa express way," bungad agad ng kongresman na dumiretso agad ng kusina kung saan inaasahan niyang nag-aantay ang anak.

Miisha approached her father with excitement. Just like a kid who misses her father after his whole day of work. Gusto niya sana itong halikan sa pisngi pero medyo nahihiya pa siya kung kaya't nakangiting nagmano na lang sya dito. Their closeness is still a work in progress. She could say that it's still too early to get there pero batid niyang darating din sila doon. Basta ang importante, sa bawat araw na dumadaan ay lalo siyang nagiging komportable sa magulang.

Sinunod niya rin ang payo nitong huwag na gaanong magkukulong sa kuwarto. Everytime he's present in the house, she makes sure to spend quality time with him. Personal niya itong inaasikaso. She wants to take care of him more lalo't batid niyang pareho ang pinagdadaanan ng kanilang mga puso. She's doing her best to lessen his burden on missing Wendy at alam niyang ginagawa rin ng magulang ang lahat upang pansamantala niya ring makalimutan si Jacob.

Hindi na nila inungkat ang nakaraan. Ni ang isang katanungang napakatagal niyang kinimkim sa kanyang dibdib kung bakit humantong sa ganito ang kanilang pamilya ay hindi niya na nagawang itanong. Because that night she cried on his shoulder, lahat ng di nila pagkakaunawaan ay tila kusang nabura ng sabay-sabay. That hug meant a million words that no explanation could match. The next day was a new day. Bawat isa ay gustong punan ang mga naging pagkukulang sa isa't isa. No apology had been said but every action became an act of redemption. Kusang tinatama ang mga natitira pang panahong magsasama sila bilang tunay na pamilya. Her as a daughter and a friend and her Dad as a father and an adviser.

She's A Bad GirlTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon