Chapter 15

78.3K 1.9K 306
                                    

                             

                                                            *****

Malungkot na naglalakad si Miisha patungong sakayan ng jeep pauwing Quezon City. Di niya na hinintay si Jacob. Para ano pa? Kitang-kita na ng dalawang mga mata niya ang totong relasyon nito kay Laarni. Wala na silang dapat pag-usapan pa at di na nito kailangang magpaliwanag. Wala naman siyang magagawa kundi tanggaping may relasyon nga ang dalawa. Sino ba naman siya para mag-inarte at magtampo? In the first place, he didn't ask her to like him. Siya lang naman itong kusang nagkagusto sa taong bukod sa pinagkakaguluhan na ng lahat ng mga babae sa campus eh may sabit pa pala.

Humawak siya sa naninikip na dibdib at minasahe ng ilang sandali ang makirot na parte nito. Di na bago sa kanya ang ganitong pakiramdam. She's been frustrated all her life, mas matindi pa nga dito ang karamihan sa pinagdaanan niya. Sanay na siyang masaktan kaya alam niyang bukas o sa makalawa ay mawawala din ito. At kung hindi man mawala ay magmamanhid din ang dibdib niya para dito. Ang kailangan niya lang gawin ay tanggapin ang totoong sitwasyon ni Jacob at pag-aralang burahin ang kung anumang umusbong na kakaibang pakiramdam para sa leader ng White Lambs.

Lalaki lang yan. There's more to life other than them. Be it's his father or a man like Jacob, each of them has their own way of hurting woman, sinasadya man o hindi. Good thing she experienced it now. At least sa susunod hindi na siya basta-basta magkakagusto sa sinumang lalaking makakaclose niya o pwede ring dahil dito ay mawalan na siya ng interes sa kanila. Being attracted to a man once is enough. This is just one of those growing pains kung saan masasabi niyang kahit papaano ay naging normal naman ang pagdadalaga niya kahit sa loob lamang ng maiksing panahon.

Naghintay siya't naupo sa waiting shed. Dahil lumilipad ang kanyang isip, maya't maya siyang nalalampasan ng mga biyaheng dapat sanang sakyan hanggang sa ilang sandali pa'y may humintong kotse sa harap niya. Napalunok siya't mabilis na tumalikod. Palihim niyang sinampal ang sarili upang mabuhay ang tatamlay-tamlay na pakiramdam. Pagharap niya'y agad siyang nagkunwaring masaya't masigla.

Bumaba ng sasakyan si Jacob at lumapit sa kanya. Sinalubong niya ito ng pilit na ngiti.

"Why didn't you wait?" singil agad nito sa kanya.

"Maiistorbo na naman kita sa paghahatid mo sa akin. Okay lang Jacob kahit di na tayo mag-usap. Wala ka namang dapat ipaliwanag eh. if you're worried about rumors, I can assure you that my lips will be sealed," paliwanag niya.

"Hindi lang tungkol diyan ang gusto kong pag-usapan. Please let's talk. Omoo ka na kanina di ba?" giit nito.

"Sa ibang araw na lang tayo mag-usap. Marami pa namang ibang pagkakataon para masabi mo sa akin ang mga gusto mong sabihin. Sige na Jacob huwag mo na akong intindihin, iwanan mo na ako't may lakad pa kayo ni Kyle di ba?" 

"Kinansel ko na ang lakad ko with Kyle," sagot nito.

"Kung ganu'y umuwi ka na lang at magpahinga," nakangiting payo niya.

May natanaw siyang jeep na biyaheng pauwi. Papara na sana siya pero pinigilan ni Jacob ang kanyang kamay. Sa halip ay hinawakan nito ang kanyang braso at hinila siya patungong sasakyan.

She's A Bad GirlTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon