Chapter 26

82.1K 1.9K 256
                                    

           

                                                                   ****

Kyle cornered Jacob in men's room. Galit na itinulak niya ang kaibigan sa dingding at kinuwelyuhan. Nagpanting ang kanyang mga tenga matapos nitong aminin sa kanya na nakipaghiwalay na ito kay Laarni. Hindi pa rin siya makapaniwala sa malaking pagbabagong nasasaksihan dito. The Jacob he used to know hates complications in life. Everything about him must be smooth and organized. Pero bakit ngayon ay tila ito na mismo ang nagpapagulo sa lahat?

"Why did you do it? Anong naging kasalanan sayo ni Laarni? She'd been faithful and loyal to you all these years!"

Sinubukang tanggalin ni Jacob ang mga kamay ng kaibigan but he couldn't do it because his gripping him too tightly. "I-I want to set things right. I'll be unfair to her kapag itinuloy ko pa ang relasyon," hirap humingang sagot  niya.

"Dahil ba ito kay Miisha?!"

Hindi sumagot si Jacob. Sinalubong niya lamang ng mga titig ang nagtatanong na mga mata ng kausap.Nadagdagan ang galit ni Kyle sa pananahimik niya kung kaya't mas lalo nitong hinigpitan ang pagkakahawak sa kanyang kuwelyo.

"You told me there's no feeling to sort out at walang pagkakaibigang masisira! But what's going on with you now?!" namumulang sumbat nito.

Jacob kept his calmness and quietly stared at his friend. Sinubukan niyang huwag sabayan ang galit nito. But when he realized the real reason behind Kyle's anger, dahan-dahan ding nabuhay ang naghahalong pagkapikon at selos sa dibdib niya. Halatang si Miisha ang pinag-uugatan ng panggalalaiti nito. He grabbed Kyle's hand and quickly removed it from his neck. Ito naman ang isinandal niya sa dingding at diniinan ng braso sa leeg. Namumula ang mukha't matatapang ang mga matang tinitigan niya ito.

"There's no feeling to sort out because I already know how I feel. Walang pagkakaibigang masisira because there's no rivalry that gonna happen," matitigas na mga salita niya habang pinandidilatan ang kausap.

Nagtatakang nagtagpo ang mga kilay ni Kyle. Hindi nito gaanong maintindihan ang ibig ipakahulugan ni Jacob.

"Ititigil mo lahat ng mga planong tumatakbo diyan sa isip mo about Miisha. Give her to me Kyle!"

Kyle chuckled for the stupid words he just heard. It pissed him off him even more. Itinulak niya si Jacob at tumama ito sa nakasaradong pinto ng cubicle. This time it's his arm that's pressing against his neck. "What makes you think I'm willing to do that?!"  nangangalit ang mga pangang ika niya.

"M-Miisha is mine Kyle!" gigil na sagot ni Jacob.

"Who gave you the right to make that stupid claim?!"

Unti-unting kumalma at umamo ang hilatsa ng mukha ni Jacob. He intently looked at the angry eyes staring back at him. "Sapagkat alam kong magpapaubaya ka... dahil alam mong sa ating dalawa ako ang mas totoong nagmamahal sa kanya. We don't fight over woman Kyle!" he uttered with strong conviction.

She's A Bad GirlTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon