Chapter 36

66.3K 1.8K 125
                                    

       

                   ****

Pumunta si Miisha sa restaurant kung saan imbitado siya ng ina para sa isang family dinner. Naabutan niyang nakaupo na sa mahabang mesa ang buong pamilya ng nasabing magulang. Everyone greeted her gleefully. Malalim ang paghingang tiningnan niya ang mga ito isa-isa habang nanatiling nakatayo lamang sa tabi ng mesa.

"Have a seat Miisha." Her stepfather pulled a chair for her.

"Hi Ate!" magkasabay na kaway sa kanya ng dalawang bata. Pilit ang pananagalog ng mga ito.

Bahagyang lumambot ang kanyang dibdib nang makita ang mga ngiti ng maliliit na kapatid, but still she, looked at them with a blank face. At nang muling mapagawi ang mga mata niya sa ina, bumalik ang talim sa kanyang mga paningin.

"Halika anak, maupo ka. Salamat naman at pinagbigyan mo kami."

Kinilabutan siya nang marinig ang salitang 'anak'. Di niya napigilang mapangisi.

Her jaws clenched. "Hindi ako pumunta dito para makipagplastikan sa inyo," she strongly remarked. "Andito ako para sabihin sayong tigilan mo ang pagkumbinsi kay Daddy...I'll tell you once and for all, leave me alone. Stop dreaming na mabibitbit mo ako sa Amerika dahil kahit kailan hinding-hindi yan mangyayari!"

She turned her back leaving them speechless and shocked. Nagmadali siyang lumabas ng restaurant. She didn't look back. Narinig niya ang tawag ng ina at batid niyang sinusundan siya nito. Tumakbo siya at pagkalabas ay agad na pumara ng taxi.

"Manong sa Project 2-3 ho."

Nang bahagyang makalayo ang taxi, natukso siyang lumingon sa likuran. Nakita niya ang ina sa labas ng restaurant habang hinahabol ng tingin ang kanyang sinasakyan. Ibinalik niya sa harap ang mga paningin. Bumuntong-hininga siya't napapalunok na umayos ng sandal sa upuan. Tumitig siya sa kawalan hanggang naramdaman niya ang nagbabadyang pagdungaw ng kanyang luha.

She should feel glad for embarassing and disappointing her mother. Sa bawat maliliit na bagay na nakakaganti siya sa magulang ay dapat maging masaya siya. Pero bakit tila may namumuong bagong sugat sa kanyang dibdib? May maliit na kirot sa puso habang naglalaro sa isipan ang biglang paglungkot ng reaksiyon ng kanyang dalawang nakababatang kapatid.

Umiling siya at kumurap upang matauhan sa tila panlalambot ng dibdib. She doesn't belong to them and they don't belong to her, she convinced herself. They are nothing but strangers. Matagal ng wala sa diksiyonaryo ng buhay niya ang salitang 'pamilya'. Sila ang nagtanggal nito kaya wala na silang karapatang ipagpilitan itong ibalik anumang oras nila gustuhin.

Lulugo-lugo siyang bumalik ng apartment. Biglang naglaho ang tamlay sa katawan niya nang maabutang bukas ang kanyang gate. Nagmadali siyang pumasok. Nagulat siya sa sumalubong sa kanya sa bakuran. Naabutan niya doon ang kanyang kasera kasama ang isang tauhang naghahakot sa mga gamit niya. 

Agad siyang nataranta. "M-Manang bakit niyo po nilalabas yang mga gamit ko? Bayad naman po ako sayo ngayong buwan ah!" wika niya sa landlady.

She's A Bad GirlTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon