****
"Okay na ba pare sa inyo ang bahay na ito? Pasensiya na. Ito lang ang pinakamatinong bakanteng nakita ko dito sa area namin," ani Nestor, ang isang volunteer na naging malapit kay Jacob nang minsang sumama siya sa isang humanitarian aid sa Ilocos Sur.
"Okay na ba sayo ito?" tanong ni Jacob kay Miisha.
Iginala ni Miisha ang mga paningin sa isang fully furnished bungalow type na bahay. "Oo naman. Mas okay pa nga ito sa dati kong apartment eh!" ganadong sagot niya.
"Okay na kami dito pare. Salamat ha," tapik ni Jacob sa balikat ng kaibigan.
"Ako na ang bahala makipag-usap sa may-ari tutal kakilala ko yun. Paano iiwan ko na kayo baka gusto niyo nang magpahinga," wika ni Nestor.
"Thank you Bro. I'll call you," ani Jacob.
"Anytime, pare."
Nang makaalis ang lalaki, pabagsak na naupo si Miisha sa sofa. Bumiyahe sila sa bus ng halos siyam na oras papuntang Laoag City. Jacob parked his car somewhere safe in Manila and he refused to take airplane too. Sabi nito ang mga bagay na iyun ay magiging rason lamang para ma-trace sila ng kanilang mga magulang. Kayang itimbre ni Congressman Marcelo sa buong kapulisan sa bansa ang plate number ng kanilang sasakyan. Maski pati sa mga airline companies baka ipabuklat din ang mga pangalan ng pasahero.
Sa mismong lungsod sila ng Laoag kaya naman hindi nila kailangang mag-adjust gaano sa buhay probinsiya. Pinili ni Jacob and lugar na ito sa kadahilanang si Nestor ay isa sa mga kaibigan niyang hindi kilala ng kanilang pamilya. Tiyak kasing iti-trace din lahat ni Cong. Marcelo ang mga taong konektado sa kanyang anak.
"Okay ka lang ba?" nag-aalalang tanong ni Jacob. Tumabi ito sa kanya.
Ngumiti siya ng maluwang. Pagod siya dahil hindi siya sanay sa malayong biyahe pero balewala ito basta ang importante sa kanya ay magkasama na sila ni Jacob.
"I'm fine," malugod na sambit niya nang may ningning ang mga mata.
He reached out her hand and stroked it gently. Pagkuway marahan hinalikan ng binata ang likod ng kanyang kamay. Sapat na ang halik na iyon para mawala ang pagod at puyat niya.
Batid niyang mas pagod at puyat ito sa kanya. Panay isip nito ng malalim habang nasa biyahe plus he patiently lent her his shoulder and made sure she'd be comfortable in her sleep. Kahit tulog ay ramdam niyang binabantayan siya nito sapagkat sa tuwing nagigising siya ay una niyang nabubungaran ang mga titig nito sabay tanong kung okay lang ba siya.
"Pasensiya ka na kung dito tayo tutuloy. Plano ko sanang sa hotel tayo mag-stay kaya lang napa-hold agad ni Dad yung isang ATM ko. I'm using now the account where I saved my excess allowances," paliwanag nito.
"Don't worry about me." Tinapik niya ang binata sa braso. " Ikaw naman, parang hindi mo alam kung gaano ako ka cowboy," she kidded.
Before leaving Manila, she tried to offered him the money she received from Wendy pero tinanggihan siya nito. He claims that running away together was his idea so he swore to be responsible for it until the very end.
Nakangiting ipinatong niya pa ang isang kamay sa magkahawak na nilang mga palad. "Kahit nasaan man tayo, masaya at okay lang ako basta kasama kita," dagdag lambing niya.
He smiled back and kissed her forehead. "Magpahinga ka na."
Tumingin si Miisha sa kanilang mga bagahe at masiglang tumayo. "Mamaya na ako magpapahinga. Aayusin ko muna itong mga gamit natin," she said amiably.
BINABASA MO ANG
She's A Bad Girl
RomanceMiisha is a girl who's not afraid to take various paths. While Jacob is a guy who only takes a straight path. In one crossroad of their life, they bumped into each other's arms. Their differences turned them into enemies. Time turned them into frien...