Chapter 32

75.8K 2K 220
                                    

     

                                                               ****

Bago pumasok ng kuwarto ni Kathleen, pinahid ni Miisha ang mga natitirang luha sa mga mata. Paulit-ulit siyang bumuntong-hininga habang pilit pinapawi ang anumang humahalong kalungkutan sa kanyang dibdib. Batid niyang mag-uumapaw ang awa niya sa kaibigan pero ayaw niya itong ipakita. Gusto niya ay maging masaya sila pagkatapos ng mahabang panahong di nagkasama. Titiisin niya ang masasakit na masasaksihan huwag lamang makaramdam ng awa sa sarili si Kathleen.

"Are you ready?" tanong ni Jacob na nakahanda nang buksan ng pintuan para sa kanya.

She nodded and managed to smile. Magkasama silang pumasok ni Jacob sa loob.

"M-Miisha?...Is that you? Sabi ni Mommy bibisita ka raw..."

Hindi maigalaw ni Miisha ang mga paa. Nanatili siyang nakatayo sa may pintuan. Pansamantalang naglaho ang pangako niya sa sariling pipigilan niyang makaramdam ng awa. She bit her lower lip and swallowed hard. Unti-unti na namang namumuo ang mga luha sa kanyang mga mata pagkakita sa kaibigan. Nakabenda ang ulo nito, nakasuot ng damit pang-ospital na dahil sa laki ng ipinayat ay maluwang na maluwang na sa kanya. Namumutla. Nakangiti subalit blangko ang mga mata na halatang wala na itong kahit konting naaninag man lamang.

Tinapik siya sa balikat ni Jacob at umiling ito bilang pagpapaalala sa kanya na hindi siya pwedeng maging malungkot. Tumango siya at pinilit muling ngumiti. Ang gusto ng ina ni Kathleen ay huwag nang ungkatin pa ang mga di magagandang nangyari. Iparamdam na lamang sa anak na tanggap na ng lahat ang sitwasyon at ipakitang parang normal pa rin ang lahat.

"K-K-Kathleen!" masiglang tawag ni Miisha sabay lapit sa kaibigan. Naupo siya sa tabi ng kama.

Lumaki ang pagkakangiti ni Kathleen nang makilala ang boses. "Miisha!"

Nagyakapan ang magkaibigan at napapangiting naupo naman si Jacob sa isang tabi habang pinapanood ang dalawa.

"Huh? May kasama ka ba?" masiglang tanong ni Kathleen nang marinig ang mga pagkaluskos ng binata.

"Oo. Kaibigan ko, si Jacob." Tiningnan ni Miisha si Jacob at sinenyasan itong lumapit. Sumunod naman ang binata. "Jacob si Kathleen kaibigan ko."

"Hi Kathleen."

"Hi!" Kumaway ang babae sa hinulaang direksiyon ng kinaroroonan ng kausap.

Ngumiti si Kathleen. "I actually heard about you from Mom and Tita Wendy. Sabi nila inaalagaan mo daw ng mabuti itong kaibigan kong matigas ang ulo. Thank you for taking care of Miisha while I'm not around. Pero ngayon medyo mababawasan na ang sakit mo ng ulo because I'm ready again to share half of the burden," pabirong pahayag niya.

Jacob laughed softly. "I'm glad na madadagdagan na ang pwede kong pagsumbungan."

Miisha pursed her lips with his remark.

"Your voice sounds like you're a good looking guy. Okay lang ba na kapain ko ang mukha mo?" ani Kathleen.

She's A Bad GirlTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon