Naninibago si Miisha sa mga pinamili nilang groceries. Walang cup noodles, walang de lata o anumang instant na pagkain maliban sa mga inumin. Karamihan sa laman ng grocery bags ay mga gulay, tinapay at prutas. Panay lagay sana niya ng mga junk foods at instant noodles sa cart ngunit maya't maya naman itong tinatanggal ni Jacob.
"Unhealthy foods are not allowed," madiing bilin nito sa kanya nang nasa supermarket.
Medyo walang ganang inayos niya ang mga pinamili. Nagtatampo siya sapagkat kahit paborito niyang sitserya ay di man lamang pinalampas ng lalaki. Ano na lamang ang papapakin niya kapag nabobore at nagugutom?
"What will you cook for dinner?" tanong ni Jacob na tumutulong din sa paglalagay sa eskaparate ng mga pinamili.
"Ay oo nga pala!" bulalas niya.
Dali-dali siyang tumigil sa ginagawa. Pumasok siya sa kuwarto at binitbit ang laptop patungong kusina. Pinatong ito sa hapag kainan at dali-daling binuksan.
"Ano yan?" taka ni Jacob.
"Yung recipe ng lulutuin ko."
"Patingin," kunot noong usisa ng lalaki.
Binasa ni Jacob ang nakabukas na pahina sa laptop. Muntik na siyang matawa pero pinigilan niya dahil baka maoffend ang babae. Akala niya ay kung anong kumplikadong putahe, yun pala ay simpleng adobo lamang.
"Hmmm... chicken adobo," napapahimas sa babang sambit niya habang pinipigilang ngumiti.
"Meron pa!" pagmamalaking dagdag ng babae. "Eto."
Napalunok si Jacob sabay kagat sa labi matapos ituro ng dalaga ang isang larawan. Steamed okra.
"I didn't bookmarked the instruction, madali lang naman kasing gawin kaya minimorize ko na lang," paliwanag pa nito.
"Ah... okay," napapatangong pagsang-ayon ng binata.
"But wait! Di ko nga pala naitanong. Okay lang ba sayo na ganito ang lutuin ko?"
"Kahit ano, basta luto mo. Besides, I'm also into authentic Filipino foods."
Lumiwanag ang mukha ni Miisha. Sabi na nga ba't tama ang naisip niya. "Eto talaga ang pinili ko para sa first dinner natin para talagang totoong lutong bahay ang dating. Let's start taking the right road towards a cozy home!" masiglang-masiglang pahayag niya.
Jacob smiled. Naantig siya sa huling sinabi ng kasintahan. How nice hearing from her own mouth that she's really looking forward having a home with him. His heart has been moved kaya naman di niya nakontrol ang sarili. Mabilis na ninakawan niya ang dalaga ng halik sa mga labi.
"Jacob!" protesta ng babae na kunway nagsalubong ang mga kilay ngunit halata namang natuwa rin. "Bawal na yan ha!"
"B-Bawal? B-Bakit?" he wondered. "Kelan pa pinagbawal na halikan ng boyfriend ang girlfriend niya?"
"Ah basta!"Paulit-ulit nitong iling. "Just because we're together now doesn't mean that we won't set limitation to ourselves. Understand? No unnecessary naughtiness." Pinandilatan ni Miisha ang nobyo. "Mas lalo nating dapat patunayan sa ating mga magulang na kasama sa pagmamahalan natin ang totoong respeto sa isa't isa," madiing pahayag nito.
He couldn't answer right away.
"What? You don't agree?"
"I-I do..." Walang magawang pagsang-ayon ni Jacob. Bagamat masyadong ideyalista ang kondisyong ito ngunit kung dito magiging komportable ang dalaga habang magkasama sila sa iisang bubong ay susundin niya na lamang.
BINABASA MO ANG
She's A Bad Girl
RomanceMiisha is a girl who's not afraid to take various paths. While Jacob is a guy who only takes a straight path. In one crossroad of their life, they bumped into each other's arms. Their differences turned them into enemies. Time turned them into frien...