1) Bagets

26.3K 338 67
                                    

Kabanata 1 - Bagets

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Kabanata 1 - Bagets

[Maruha]

Pasig, 1986

Sampu kaming kabataan ang nakaabang sa tapat ng Pasig Library and Museum. Nabalitaan kasi namin na magtutungo raw ang cast ng Bagets na sina Aga Muhlach, Raymond Lauchengco, JC Bonnin, William Martinez at Herbert Bautista sa Pasig Library and Museum dahil naimbitahan daw ang mga ito ng namamahala ng museum na mananghalian.

Matiyagang kaming nakaabang sa harapan ng Pasig Library and Museum at kahit na matindi ang sinag ng araw ay walang kaming pakialam basta makita lamang ang aming iniidolo.

Sobrang iniidolo at crush na crush ko si Aga Muhlach. Kaya nang malaman ko na magpupunta raw ito sa Pasig Library and Museum ay tuwang-tuwa ako. Matagal ko na kasing pinapangarap na makita siya sa personal. Mabuti na lamang ay tumawag sa akin kanina si Cecil sa aming telepono upang ibalita ang tungkol sa pagpunta ng mga binata sa museum.

Nagsisisi ako sa suot kong porma dahil sobra nang pinagpapawisan ang likod at kilikili ko. Nakasuot kase ako ng striped turtleneck long sleeve na may mga kulay na pink at puti na naka-tuck in sa aking washed jeans. Gusto ko kasi kapag nakita ako ni Aga Muhlach ay kaaya-ayang ako tingnan sa kaniyang paningin.

Inaayos ko ang dala kong puting cartolina na sinulatan ko ng "Will you marry me, Aga?" at ibubuka ko lamang ito kapag nakita kong lumabas ng museum si Aga Muhlach. Balak ko kasing magpo-propose sa kaniya mamaya.

Lahat ng mga palabas ni Aga Muhlach ay talagang inaabangan ko at napanood ko na. Ang una kong napanood na palabas niya ay ang Bagets. Dito ako nag-umpisang mahumaling sa kaniya. Nagpasama kasi dati ang aking Ate Monette na manood ng palabas sa sinehan dahil broken hearted ito at gustong magliwaliw. Unang pagkakita ko kay Aga Muhlach sa screen ay na-love at first sight ako. Ang gwapo niya kasi at ang ganda pa ng kaniyang ngiti sa tuwing lumalabas ang dimple niya sa magkabilang pisngi. Idagdag pa ang kagalingan nito sa pagsasayaw lalo na sa pag-arte.

"Oh, ito ang papel. Isulat niyo ang mga pangalan niyo." utos sa amin ng lalaki. Nasa edad trenta na ito. Lubog ang magkabilang pisngi niya at payat ang pangangatawan. Siya ang may pakana at nagsabi na nasa museum daw ang casts ng Bagets. Sa totoo lang ay wala akong tiwala sa lalaking ito ngunit dahil desperada na kong makita si Aga Muhlach ay hindi na ako nagdududa pa. Nagtiwala na rin ako dahil nakikita ko na malaki ang tiwala sa kaniya ng mga kasamahan ko. "Maghanda na kayo. Maya-maya ay lalabas na sila" paalala niya pa sa amin.

"Maria Maruha Ignacio." Isinulat ko ang pangalan ko sa papel, "Teka? Bakit kailangan pa ng address?" pagtataka ko ngunit isinulat ko na rin dahil naisip ko na baka puntahan ako ni Aga Muhlach sa bahay namin. "Barangay Bambang, Pasig City."

Kinuha ko sa shoulder bag kong pink ang binili kong cherry ball kanina. Isa itong bilog na bubble gum na kulay pula at kasing laki ng 25 centavo. Nilawayan ko ito at ipinahid ito sa aking labi at pati na rin sa magkabila kong pisngi. Nasa bahay kasi si Ate Monette kanina kaya hindi ko magamit ang mga makeup niya. Ayaw niya kasing pinapakialaman ko ang mga gamit niya dahil masisira ko raw kahit hindi naman. Sadyang madamot lang talaga siya pagdating sa akin.

UGMATahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon