Kabanata 23 - Field Demo '87
Tatayo, uupong muli at maglalakad-lakad ng kaunti upang maibsan ang aking kabang nararamdaman. Nagtungo ako sa kabilang bahagi ng kwarto ni Teresa upang tingnan ang kanyang radyo, phonograph at mga plaka ni Billie Holiday na nakalagay sa iisang lamesa. Pinindot ko ang bukasan ng radyo at ang kantang That's What Friends Are For ni Dionne Warwick ang umalingangaw sa buong kwarto ni Teresa.
Napag-isipan ko na kausapin na si Teresa at tanungin sya kung mayroon bang namamagitan sa kanilang dalawa ni Gil. Balak ko na rin sabihin sa kanya ang tungkol sa aming dalawa ni Gil - na nanliligaw rin ito sa akin - dati.
Napakanta na lamang ako ng malakas dahil kanina pang may nagwawalang daga sa aking dibdib at gusto nitong kumawala. Lalakasan ko ang loob ko at bahala na kung saan mapunta ang pag-uusap naming dalawa. Kailangan niyang malaman ang lahat-lahat dahil kaibigan ko siya at kailangan ko rin malaman kung may namamagitan sa kanilang dalawa ni Gil - kung sila na ba.
"That's what friends are for, for good times and bad times, I'll be on your side forever more, that's what friends are for---"
Napatigil ako sa pag-awit nang iluwa ng pintuan si Teresa. May dala itong isang tray na may dalawang pirasong putok at dalawang baso na may sunny orange juice.
"Tungkol saan ang pag-uusapan nating dalawa?" tanong sa akin ni Teresa nang makaupo kaming dalawa sa kahoy na upuan na pangdalawahan. Nagbilang pa ko ng isa hanggang sampu bago magsalita.
"Teresa, naalala mo 'yung pangako natin dati sa isa't-isa nong mga bata pa tayo?" kinakabahan kong tanong sa kaniya. Napaiwas siya ng tingin sa akin na mas lalong nagpakaba sa akin.
"Anong pangako?"
Humugot muna ako ng malalim na hininga bago muling nagsalita. "Na walang taguan ng sikreto sa ating barkada. Magtapat ka sa akin, Teresa. Gusto ko ang katotohanan. Mayroon bang namamagitan sa inyong dalawa ni Gil?"
Naniningkit ang mga mata ko habang nakatitig kay Teresa na humalakhak ng malakas habang hawak-hawak nito ang kaniyang tiyan. Pumapalakpak pa ang bruha na para bang may nakakatawa sa sinabi ko. Tukmol talaga!
Pinunasan niya ang gilid ng mga mata niya bago siya nagsalita. "Walang namamagitan sa amin ni Gil. Nakakadiri ka, Maruha. Bakit mo naman nasabi na mayroon namamagitan sa aming dalawa ni Gil?"
"Nakita ko kayo nung isang gabi na nagkita sa tapat ng bahay nila. Para kayong magsyota eh. Atsaka napapansin ko rin sa mga kilos at pananalita niyo na para bang in love kayo sa isa't-isa." Napakunot ang noo ko nang tumawa na naman ulit siya. Para siyang nakawala sa Mental Hospital. Nakakainis naman tong si Teresa! Seryoso ako tapos siya panay tawa lang.
"Hindi si Gil ang gusto ko. Tinutulungan niya lang ako"
"Eh?" nagtatakang sambit ko. Anong tinutulungan lang siya ni Gil? Kung hindi si Gil ang gusto niya, eh di sino?
BINABASA MO ANG
UGMA
Teen FictionWattpad Webtoon Studios Winner Wattys 2022 Winner - Young Adult Si Maria Maruha Ignacio ay isang Pasigueñong ipinanganak sa 70s at isang certified batang 80s. Umiikot lamang ang kaniyang kabataan sa kaniyang ultimate crush na si Aga Muhlach, sa pag...