18) Aliwan

732 56 7
                                    

Kabanata 18 – Aliwan

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Kabanata 18 – Aliwan

[Maruha]

Hindi ako makapaniwala na 4th year na kaming apat. Kung silang tatlo ay masaya, ako naman ay lungkot at takot ang nangingibabaw sa aking sistema.

Malungkot dahil ayokong magkahiwa-hiwalay kaming apat pagnatapos ang aming martsa. Natatakot dahil hanggang ngayon ay hindi pa ako handa na maging isang kolehiyala.

Hindi ko mapigilang hindi maging malungkot dahil ang main building ng Rizal High School ay ang huling building na aming papasukan. Ngayon pa lang, nahihirapan na kong mag-move on lalo na't sobrang masaya ang aking buhay-hayskul.

Palihim akong sumilip sa isang classroom. Nakita ko si Simeon na komportableng nakikipag-usap sa mga bago niyang mga kaklase. Napangiti ako nang makita ko ang maganda niyang ngiti habang nakikipag-usap siya sa mga ito.

Napabuntong hininga na lamang ako ng malalim dahil hindi na kami magkaklase. Nasa section 10 siya samantalang ako nanatiling nasa section fifteen. Nasa second floor din ang kaniyang classroom samantalang ako nasa third floor. Sinilip ko siya dahil hindi ko mapigilang hindi mag-alala. Bago kasi kami magkahiwa-hiwalay kanina ay nasabi niya sa akin na nalulungkot siya dahil hindi na raw kami magkaklase. Hindi niya raw alam ang gagawin dahil wala raw ako sa tabi niya. Wala na raw aalalay sa kaniya. Sa nakikita ko ay mukhang kaya naman niya. 'yon nga lang hindi maiwasan na walang mga higad ang umaaligid-aligid sa kaniya.

Bumaba ako upang tingnan kung ano na ba ang nangyayari kay Teresa. Parang may tumutusok na karayom sa puso ko nang makita ko siyang umiiyak. Mula kaninang umaga ay dinadamdam niya pa rin ang pagiging section two niya. Mula kasi first year hanggang third year high school ay nasa section one siya at nangangamba siya kung paano niya ito maipapaliwanag sa kaniyang ina.

Hingal na hingal akong pumanhik patungo sa fourth floor upang tingnan kung ano ang ginagawa ni Gil. Napahawak na lamang ako sa dibdib ko nang marinig ko ang sigawan at kalabog ng mga upuan sa pinakadulong classroom.

Ano ba naman yan? Unang araw ng pasukan may away agad?

Napailing ako nang makita kong patawa-tawa si Gil habang nanonood sa mga nag-aaway. Mananagot talaga siya sa akin kapag nalaman ko na nakikipagbasag-ulo siya.

Pabalik na ako sa aming classroom nang makasabay ko si Francis na agad akong pinagtripan.

"Maruya, kaklase pa rin kita? Siguro, tayo talaga ang nakatadhana" pang-aasar niya, pinaikutan ko lamang siya ng mga mata.

"Maruha, hindi maruya!" bulyaw ko sa kaniya. "Atsaka nakakadiri ka!" sabay hampas sa braso niya ngunit tinawanan niya lang ako.

Kahit kailan talaga ay mapang-asar ang loko. Sisirain na naman niya ang araw ko.

#

Pagkatapos ng uwian ay naggala-gala kaming apat kung saan-saan upang pagain ang loob ni Teresa.

UGMATahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon