Kabanata 15 – Iskul Bukol
[Maruha]
Hanggang ngayon ay laman pa rin ng mga TV, radiyo, at pati mga diyaro ang tungkol sa Mendiola Massacre. Ang Mendiola Massacre ay isang madugong massacre na naganap sa Manila noong Enero 22, 1987. May 13 na mga magsasaka ang namatay at samantalang 80 na magsasaka naman ang nasugatan at nasaktan na agad namang nagamot. Hanggang ngayon ay humihingi pa rin ng katarungan ang mga naulilang pamilya ng mga biktima dahil sa trahediya na hindi dapat nangyari.
Ito ang mga magsasakang humihiling kay Pangulong Cory Aquino na ipatupad nang maayos at matapat ang batas sa Repormang Pangsakahan. Ang Repormang Pangsakahan ang tanging inaasahan ng mga magsasaka dahil ito ang mag-aahon sa kanila at puputol sa tanikala ng pagkaalipin sa lupa at kahirapan. Ito lamang ang kanilang kahilingan. Ang nasabing batas ay isang bigo at palaging palpak dahil hindi naman natuldukan ang pang-aapi sa mga magsasaka. Patuloy pa rin ang kawalang-hustisya at bigay-bawing lupa na humahantong sa kanilang kagutuman.
Sa halip na pakinggan ang kanilang kahilingan at karaingan, ang naging kasagutan ay mga putok ng baril at ulan ng mga bala na ikinamatay ng mga kaawa-awa at walang kalaban-laban na magsasaka. Ang pangyayari ito ay isang matibay na ebidensya na ang mga magsasaka ang madalas na naging biktima ng kawalang hustisya. Kung patuloy na maghahari ang mga eletista, mga nagfe-feeling na panginoong may-ari ng lupa, at mga mapanlinlang na sinungaling namumuno sa pamahalaan, maaaring maulit ang trahediya.
Pinag-uusapan din ng ilang matatanda ang tungkol sa paparating na unang anibersaryo ng EDSA People Power Revolution sa Pebrero 22 hanggang Pebrero 25. Ang EDSA Revolution ay naging bahagi na ng kasaysayan ng Pilipinas. Nagkaisa at nagtipon-tipon ang ilang Pilipino upang mapatalsik sa pwesto ang dating Pangulong Ferdinand Marcos dahil sa pagiging diktador nito. Ang naging sandata ng mga nakilahok sa rebolusyon ay ang pagkakaisa, dasal, imahe ng Mahal na Birhen, at mga bulaklak na itinapat sa bibig ng mga baril ng mga sundalo. Dahil sa Edsa Revolution ay nanumbalik ang kalayaan at naging isang demokrasya ang bansang Pilipinas.
Ang ilang kabataan naman ay nasasabik dahil isang araw na lamang ay araw na ng mga puso.
Isa ako sa nasasabik sa pagsapit ng Valentines day. Kasalanan to ni Saint Valentine. Pati tuloy ako ay nangangarap na sana ay makatanggap ako ng card na hugis puso, love letter, bulaklak, tsokolate o teddy bear. Halos lahat naman ata ng mga kababaihan ay pangarap na makatanggap ng ganon. Impossible namang wala. Lalo na kung ang magbibigay sa iyo ng mga ito ay ang taong gusto mo.
"Kainis naman! Bakit kasi natapat ang Valentines day sa pesteng sabado na 'yan?" narinig kong reklamo ni Nadine sa kaniyang mga alipores. Nakapalibot ang mga ito sa desk na para sa mga teacher namin.
"Malay mo bigyan ka ni Simeon ng regalo mamaya" pampalubog loob ng secretary namin na nagpakilig kay Nadine nang marinig niya ang sinabi nito.
Ang kapal talaga ng apog ni Nadine na sisihin ang sabado. Kahit naman na tumapat ang Valentines day sa weekdays ay hinding-hindi siya bibigyan ni Simeon ng regalo. Kahit na maging kulay puti ang mga uwak ay hindi mangyayari 'yon. Hindi naman kasi siya bet ni Simeon.
BINABASA MO ANG
UGMA
Teen FictionWattpad Webtoon Studios Winner Wattys 2022 Winner - Young Adult Si Maria Maruha Ignacio ay isang Pasigueñong ipinanganak sa 70s at isang certified batang 80s. Umiikot lamang ang kaniyang kabataan sa kaniyang ultimate crush na si Aga Muhlach, sa pag...