19) Commando

666 56 9
                                    

Kabanata 19 - Commando

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Kabanata 19 - Commando

[Maruha]

Nangako ako sa sarili ko na hinding-hindi na muli ako liliban ng klase ngunit nakain ko ang pangako ko. Bukod sa wala na naman akong takdang aralin sa matematiks, sobrang gulong-gulo rin ng isipan ko.

Nagpagulo sa isipan ko ang mga inamin sa akin ni Francis kanina. Hindi pa rin ako makapaniwala na si Gil ang nagpapadala ng mga sulat.

Nakikita niya kung paano ako kiligin sa tuwing binabasa ko ang mga sulat. Pasabi-sabi pa siya sa akin na pinagti-tripan lang ako ng nagpapadala ng mga sulat, eh siya pala ang nagpapadala.

'yung prom night, sa batibot, napagtanto ko nang gabing 'yon ay balak niyang magtapat ng nararamdaman niya para sa akin. 'yung ilang minuto naming paghihintay ay bumubwelo lang pala siya. Mabuti na lamang ay hindi niya natuloy ang pag-amin. Kung sakaling tinuloy niya, baka hanggang ngayon ay nagkakailangan kami - o baka hindi na kami magkaibigan.

Napasabunot ako sa buhok ko. Sobrang naguguluhan ako. Pinilit kong tuldokan ang nararamdaman ko para kay Simeon at ngayon malalaman ko na may gusto sa akin si Gil.

"Maruya, huwag mong sabihin kay Gil na ako ang nagsabi" pakiusap sa akin ni Francis. Halos magkatapat lang ang inuupuan naming dalawa. Pati rin siya ay lumiban ng klase. Wala rin kasi siyang takdang-aralin sa matematiks at ayaw niya ring magisa.

"Maruha, hindi maruya!" bulalas ko. Agad niyang dinepensahan ang kaniyang sarili dahil akala niya ay hahampasin ko siya sa kaniyang braso. Napapikit na lamang ako sa sobrang inis.

Naipaliwanag naman niya sa akin kung bakit niya ko tinatawag na Maruya. Nabubulol daw kasi siya sa letrang 'H'. Hindi ko lang talaga maiwasang hindi mainis sa kaniya.

"Pakiusap, huwag mong sabihin sa kaniya. Baka singilin niya ko. Wala akong pera"

Tumaas ang kaliwa kong kilay nang marinig ko ang sinabi niya. "Singilin? Bakit ka niya sisingilin? Atsaka paano ba kayo nagkakilala?" sunod-sunod kong tanong sa kaniya. Napakamot pa siya sa kaniyang noo bago magkuwento.

#

[Francis]

Katatapos lamang ng aming lunch break. May kinse minuto pa ko para makapagpahinga.

May ilang estudyante rin ang nakaupo sa mga bench na katapat ng Rizal Hall. Napalingon ako sa ingay ng mga kalalakihan na naglalaro ng sipa. Kahit na tirik ang araw ay naglalaro pa rin sila.

Lumipat ako sa isang bench na halos katapat lang nila para mapanood ko ang kanilang paglalaro ng malapitan. Pumukaw ang atensyon ko sa isang lalake dahil sa galing nito sa paglalaro ng sipa.

UGMATahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon