11) Walkman

765 71 20
                                    

Kabanata 11 - Walkman

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Kabanata 11 - Walkman

Nabawasan ng isang tinik ang aking dibdib nang matapos naming ipresenta ang Sayaw sa Bangko. Ang aming grupo sa PE ang nakakuha ng pinakamataas na puntos. Napahanga namin ang guro namin dahil sa ipinamalas naming galing sa pagbalanse sa ibabaw ng bangko.

Hindi ko maintindihan ang sarili ko kasi sa tuwing nagpa-practice kami sa PE ay hinihiling ko na sana ay matapos na at ngayong tapos na ay hindi ko alam kung bakit ako nalulungkot. Atsaka bakit parang namimiss ko ang pagsayaw namin ni Simeon sa ibabaw ng bangko? Napailing na lamang ako dahil kung ano-ano na naman ang pinag-iisip ko.

Nasa bakuran na Home Economics building ang seksyon namin dahil inatasan kami ng guro namin sa gardening na linisin ang bakuran at magtanim ng mga gulay rito. Hindi ako makapag-focus sa pagbubungkal ng lupa dahil hindi ko namamalayan na panay ang tingin ko kay Simeon. Magkatabi kasi sila ni Nadine. Concern lang ako sa kaibigan ko.

Hindi ko mapigilang hindi mairita sa tuwing nakikita kong tumatawa si Simeon sa mga jokes ni Nadine. Gusto ko siyang hilahin papalayo kay Nadine kaso napagtanto ko na bakit ko naman 'yon gagawin. Hindi ko naman boyfriend si Simeon. Magkaibigan lamang kami. Bigla akong nakaramdam ng kirot nang sumagi sa isipan ko ang salitang "kaibigan".

"Nagseselos ka no?" nagulantang ako nang biglang sumulpot si Francis sa pwesto ko. Napatingin ako sa likuran at sa tabi ko dahil baka may nakarinig sa sinabi niya.

"Ano ba pinagsasabi mo?" naiirita kong tanong sa kaniya. Hahatawin ko sana siya ng asarol nang bigla itong lumayo sa akin. Nakita ko siyang tumabi sa teacher namin kaya hindi ko siya napalo. Sa klase namin, si Francis ang black sheep. Lahat ng kakulitan ay nasa kaniya na. Naawa talaga ako sa magiging girlfriend niya. Feeling ko ay sasakit ang ulo nito.

Palihim naman akong natawa nang maalala ko ang sinabi ni Francis. Ako? magseselos kina Simeon at Nadine? Never! Nag-aalala lang talaga ako kay Simeon dahil baka gayumahin siya. Pinilit ko na lamang ang sarili ko na magpokus sa pagtatanim ng mga petchay at mga sibuyas.

Napatigil lamang kami sa pagtatanim nang magsalita ang teacher namin. "Class, tapos na ang klase. Pasensya na kung ngayon ko lang nasabi" wika ng teacher namin. Panay naman ang reklamo ng iba kong kaklase dahil napasobra na naman si ma'am sa oras. 30 minutes ang break namin at dahil sa kaniya ay nagiging 20 minutes na lamang. Kasalanan din naman namin. Nakakaligtaan namin ang oras dahil napapasarap kami sa pagtatanim.

Nang makarating ako sa classroom namin ay agad akong napasandal sa upuan ko. Sumakit kasi ang likod ko sa pagbubungkal ng lupa. Iidlip na sana ako nang maramdaman kong may kumalabit sa akin. Pagkadilat ko ay nakita kong nakangiti sa akin si Simeon.

"Binilhan ako ni Mama Rosalinda ng Sony Walkman" napangiti na lamang ako kay Simeon dahil para niya akong iniinggit sa kyut na paraan.

Ang Walkman ay isang portable cassette player na kung saan makakapagpakinig ka ng musika kahit saan ka magpunta. Ang Sony ay ang unang naglunsad ng Walkman na tinatawag na Sony Walkman noong 1979. Kapag mayroon kang Walkman sa high school, ang tingin sayo ng ibang estudyante ay cool ka.

UGMATahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon