Kabanata 14 - Intrams '86
[Maruha]
Karamihan ng mga Rizalians ay masigla dahil nag-uumpisa na ang isa naming paboritong okasyon sa Rizal High School - ang Intrams.
Isang linggo rin kasi kaming walang klase. Walang mga masusungit na teacher, walang mga takdang aralin o projects, isang linggo na puro kasiyahan lamang.
May truck ng Milo ang nakapwesto sa gilid ng oval. Isa ako sa matiyagang pumila upang matikman ito. Iba at masarap kasi ang pagkakatimpla nila sa Milo kaysa sa pagkakatimpla sa bahay at kahit na anong experiment ko sa bahay ay hindi ko pa rin makuha ang lasa nito.
Hindi ko kasama ang tatlong tukmol dahil kasali ang mga ito sa paligsahan. Si Simeon ay isinali ng guro namin sa Filipino para sa labanan ng Mr. Rizal High School. Si Teresa naman ay kasali ang kanilang seksyon sa cheerdance competition. Samantalang si Gil ay isinali ng kanilang guro sa PE sa larong Sepak Takraw dahil nanganganib ang kaniyang grado rito.
Ako? Wala akong interesado sa mga ganiyan. Ayokong pasakitin ang ulo ko. Magsasaya na lamang ako.
Mabuti na lamang ay agad akong nakakuha ng isang na paper cup ng Milo nang marinig kong nag-anunsyo ang isang committee na malapit na raw mag-umpisa ang labanan ng cheerdance. Nalaman ko na pangatlong magpapakitang gilas ang grupo nina Teresa.
Lumabas ako sa oval at nagtungo sa harapan ng Gym upang tingnan kung nag-uumpisa na ba ang larong Sepak Takraw. Doon kasi gaganapin ang paglalaro. May nakita akong isang grupo na nakasuot ng pulang shirt. Alam ko na 'yon ang ka-team ni Gil dahil bago kami magkahiwa-hiwalay kanina ay nakita ko siyang nakasuot ng pulang damit.
Halos maningkit ang mata ko kahahanap kay Gil ngunit hindi ko siya mahagilap. At dahil hindi pa naman nag-uumpisa ang laro ay tumakbo ako papasok sa loob ng Gym. Doon kasi gaganapin ang kompetisyon para sa Mr. & Ms. Rizal High School. Sumalubong sa akin ang hiyawan ng mga estudyante. Halos mapuno na ang loob ng gymnasium.
Ilang minuto na lamang ay mag-uumpisa na ang pagrampa ng mga contestant. Agad kong kinalkal ang hawak kong tatlong puting cartolina na sinulatan ko ng "GO! SIMEON! GO!", "GO! TERESA! GO!" at "GO! GIL! GO!". Hindi ko alam kung paano iche-cheer ang tatlong tukmol kaya ito na lamang ang naisipan kong isulat. Marami ang nagchicheer kay Simeon nang rumampa siya kasama ang kaniyang partner at dahil isa akong palabang kaibigan na ayaw magpatalo ay sumigaw ako ng malakas. Napukaw ko ang atensiyon ni Simeon at ngumiti ito sa akin. Itinaas ko ang hawak kong cartolinang puti at dahil sa ginawa kong 'yon ay naramdam ko na naibsan ang kaniyang kaba.
Ang sunod na gagawin nina Simeon ay magpapakita ng kani-kanilang talento. Mabuti na lamang ay panglima pa siya. Sampung babae at sampung lalake ang maglalaban-laban para sa koronang Mr. & Ms. Rizal High School.
Tumakbo ako palabas ng gym upang tingnan kung nag-uumpisa na ba ang Sepak Takraw. Nakita ko si Gil na chill na nakaupo sa bench habang nakikinig sa sinasabi ng kanilang coach at dahil hindi pa rin nag-uumpisa ang laro ay agad akong tumakbo patungo sa oval kung saan gaganapin ang cheerdance competition.
BINABASA MO ANG
UGMA
Teen FictionWattpad Webtoon Studios Winner Wattys 2022 Winner - Young Adult Si Maria Maruha Ignacio ay isang Pasigueñong ipinanganak sa 70s at isang certified batang 80s. Umiikot lamang ang kaniyang kabataan sa kaniyang ultimate crush na si Aga Muhlach, sa pag...